Bakit di maganda ang pagtiris sa taghiyawat | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bakit di maganda ang pagtiris sa taghiyawat

ABS-CBN News
Published Aug 14, 2019 03:31 PM PHT
|
Updated Aug 14, 2019 03:36 PM PHT

Nagpayo ang isang dermatologist na huwag tirisin ang mga taghiyawat dahil maaari pa raw itong magdulot ng pinsala sa balat.

"Ang pinakamasamang gagawin natin, kapag tiniris natin ang taghiyawat. Kasi 'pag tiniris mo 'yan, it will become more inflamed [lalo iyang mamamaga]," sabi sa programang "Good Vibes" ng DZMM ni Dr. Jojo Rivera.

Mataas rin daw ang tsansang maimpeksiyon ang taghiyawat kapag tiniris ito.

"Kapag iyan na-infect at mas lumaki iyong pagnanana, mas lumalalim iyong scars," ani Rivera, na tumatayo ring vice president ng Philippine Dermatological Society.

ADVERTISEMENT
Ayon pa kay Rivera, puwede namang lagyan ng alcohol ang taghiyawat na tiniris bilang antiseptic process o paraan ng paglilinis.

Pero, dagdag ng doktor, dapat ding maging maingat sa paglalagay ng alcohol dahil "hindi mo alam kung may nakapasok nang bacteria."

Nakatutuyo rin ng taghiyawat ang alcohol, ani Rivera.

Mainam pa rin daw ang paggamit ng mga gamot na nabibili sa mga botika gaya ng benzoyl peroxide at tretinoin.

Ilan sa mga pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng taghiyawat ay stress, sebum o oil sa balat, pagbabago sa hormones sa katawan, at mga iniinom na gamot gaya ng steroids, ani Rivera.

Maaari ring magdulot ng taghiyawat ang pagdidikit-dikit ng dead skin at iritasyon sa comsetic products.