Ganito rin ba ang tita mo? Kilalanin ang trending ‘titas’ ng TikTok | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ganito rin ba ang tita mo? Kilalanin ang trending ‘titas’ ng TikTok

ABS-CBN News

Clipboard

Tita G, Auntie Julie, Amy Perez at Petra Mahalimuyak
Patok sa mga netizens ang TikTok titas na sina Tita G, Auntie Julie, Amy Perez at Petra Mahalimuyak.

Patuloy na dumarami ang nahuhumaling sa social media platform na TikTok, kaya naman maging ang mga “tita” ay pinasok na rin ang paggawa ng maiikling videos gamit ang kanilang mga cellphone.

Patok na patok sa mga netizen ang good vibes at nakakatuwang mga video ng ilang sikat na content creators sa platform na nagbigay ng bagong kahulugan sa pagiging “tita.”

Sa ngayon, tinatawag na ng mga netizen ang kanilang sarili bilang tita kahit nasa 20s o 30s pa lamang sila kapag ginagaya nila ang karaniwang gawi ng mga totoong middle-aged Pinoy titas.

Paano nga ba maging isang “tita”?

ADVERTISEMENT

Ilan sa basehan ng mga ito ay ang pagkikita ng magkakaibigan para mag-brunch habang dala ang malalaking mga bag na may lamang “tita essentials” tulad ng tissue, hand sanitizer at balms.

Karamihan sa mga ito ay napulot ng netizens sa ilang sikat na TikTok titas.

Tita G

Clip from Tita G’s TikTok account

Ito ang “tita” na magpapaliwanag sa iyo ng mga bagong salitang ginagamit ng mga kabataan ngayon tulad ng inyong mga pamangkin.

Auntie Julie

Clip from Auntie Julie’s TikTok account

Isa sa pinakapaboritong content creator si Macoy Dubs na nagpasikat kay Auntie Julie -- ang sosyal na tita na laging may suot ng perlas na kwintas at kuhang-kuha ang mga tipikal na galaw ng Pinoy tita.

Petra Mahalimuyak

Clip from Petra Mahalimuyak’s TikTok account

Pinag-uusapan din ang mga nakaaliw na videos ni Petra Mahalimuyak na isang “cool tita” at galante magbigay ng regalo.

Tiyang Amy

Clip from Tiyang Amy’s TikTok account

Hindi maikakaila na ang host at aktres na si Amy Perez ang OG na tita sa lahat lalo pa’t kilala ito sa bansag na Tiyang Amy base na rin sa tawag sa kaniya sa showbiz. Madalas din itong maglabas ng mga content sa TikTok ng kaniyang pagiging tita.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.