Walang pambayad sa ospital? May karapatan ka pa rin | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Walang pambayad sa ospital? May karapatan ka pa rin

ABS-CBN News
Published Aug 10, 2017 09:41 PM PHT

Kung nangangailangan na ng agarang atensiyong medikal, o di kaya ay nasa tamang kondisyon na upang makalabas ng ospital pero walang pambayad, mayroong ilang batas na maaaring sandalan.

Kapag magaling na ang isang pasyente at nabigyan na ng doktor ng permiso upang ma-discharge sa ospital, hindi na maaaring pigilan ng kahit sinong opisyal o empleyado ng ospital ang paglabas nito.

Hindi rin maaaring i-hostage ang isang bangkay dahil lamang sa hindi pa nababayaran ng mga kamag-anak ang bills sa ospital.

Ito ay ayon sa batas na Republic Act 9439 o ang Anti-Hospital Detention Act na naglalayong protektahan ang mga hikahos sa buhay mula sa mga mananamantala. Maaari kasing mabaon pa sa utang ang mga pasyenteng pinananatili roon dulot ng kakulangan sa pera dahil sa dadagdag pa sa kanilang bayarin ang mga susunod na makokonsumo sa ospital.

Ngunit kailangan munang magbigay ang pasyente o ang namatayan na kamag-anak ng isang 'promisory note' o sulat na nagbibigay ng kasiguruhan sa ospital na mababayarana rin ang bill sa ospital.

"Hindi kailangan na magbayad pero kailangan na ikaw ay magbigay ng tiyak na pangako na ikaw ay magbabayad," payo ni Atty. Noel del Prado sa programa ng DZMM na Usapang de Campanilla.

Matapos magbigay ng promisory note, maaari nang bigyan ng medical certificate ang pasyente o death certificate ang namatayan. Maipoproseso na rin pati ang mga angkop na dokumento upang mai-release siya mula sa ospital.

Hindi naman daw sakop ng batas ang mga pasyenteng piniling manatili sa isang pribadong kuwarto.

"Kasi ipinagpapalagay ng batas na kung kaya mong magbayad ng private room, hindi ka dapat makinabang sa batas na ito," ayon pa kay Del Prado.

Subalit, kung puno na ang ward at tanging private room na lang ang maaaring gamitin, kaya pa ring proteksiyunan ng batas na ito ang pasyente.

"Kung pagbabatayan natin ang layunin ng batas, mukhang papasok pa rin siya sa proteksiyon ng batas, kasi hindi naman niya pinili na mas maganda ang kuwarto... Call na iyan ng ospital dahil hindi naman puwede kang ipagtabuyan dahil meron naman tayong batas na kung kinakailangan siyang bigyan ng lunas at di pa talaga siya dapat i-discharge o bigyan ng permisong makalabas, kailangan talaga siyang makatanggap ng pag-aalaga o pagbibigay lunas ng ospital," paliwanag ng abogado.

Hindi rin kasi maaaring tanggihan ng isang pampubliko o pribadong ospital o klinika ang isang pasyenteng nangangailangan ng agarang atensiyong medikal, lalo na kung nasa bingit ng kamatayan, o may panganib na malumpo, mamatay, o magkaroon ng pangmatagalang disability, ayon sa Republic Act 10392 na nag-aamyenda sa Anti-Hospital Deposit Law.

Dahil dito, ipinapayo ni Del Prado na alamin talaga kung sa anong uri ng kuwarto ipinapasok ng ospital ang pasyente nang malaman kung sakop o hindi ng nasabing batas.

Dagdag pa ng abogado, hindi rin maaaring magpaalis agad ang doktor ng isang pasyente sa ospital hangga't hindi ito gumagaling dahil may sinumpaang tungkulin ito na magbigay ng tamang payong medikal.

"Kung pinayagan ka nilang lumabas ng ospital, pinaninindigan nilang wala na talgang mangyayari sa iyo at kaya mo nang gawin ang lunas o patuloy na pag-aalaga sa pasyente sa bahay."

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Usapang de Campanilla
payong legal
ospital
bills
bayarin
Republic Act 9439
Anti-Hospital Detention Act
Republic Act 10392
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT