Tama ba ang mga pagbabago sa wikang Filipino? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tama ba ang mga pagbabago sa wikang Filipino?

Tama ba ang mga pagbabago sa wikang Filipino?

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 09, 2017 12:42 AM PHT

Clipboard

Sa pag-usad ng panahon, may bahagyang pagbabago sa paggamit ng wikang Filipino at tila hirap ang ilan na makisabay dito.

Isang halimbawa si Edison Yunesco na mas gustong purong Tagalog ang gamitin sa pagsasalita.

Hindi niya rin tanggap ang paraan ng pagte-text ng mga kabataan ngayon gaya ng "d2 na me, asan na u."

Ani Yunesco, bakit hindi na lamang Hapon kung Hapon at Ingles kung Ingles.

ADVERTISEMENT

Aminado rin si Gail Gines na nahihirapan siyang intindihin ang ilang pagbabago sa paggamit ng wika.

Halimbawa na lamang aniya ang salitang "ganern" na ginagamit sa halip na "ganu'n" o "ganoon."

Ayon naman sa tagapangulo ng Komisyon ng Wikang Filipino na si Virgilio Almario, nahirapan din siya noong una sa text language ng millennials.

Kuwento pa niya, kinakailangang unawain ang mga bagong gamit ng salita para mas mapabilis ang pagsagot sa mga text message ng millennials, tulad ng mga abbreviation na "BTW" o "by the way" at "OTW" o "on the way."

National Artist for Literature si Virgilio Almario at chairman din ng National Commission for Culture and the Arts.

ADVERTISEMENT

Bilang punong tagasuri ng wikang Filipino, wala siyang nakikitang masama sa pagbabago sa wika.

Paliwanag pa niya, baka lalong hindi maintindihan ang mga susunod na henerasyon kung mananatiling makaluma ang paggamit sa wika.

Giit pa ni Almario, araw-araw na nagbabago ang buhay na wika at ang pagbabago ay isang katotohanang kailangang tanggapin.

Para sa kanya, ang mahalaga ay nauunawaan ito ng bawat isa.

-- Ulat ni Jorge Cariño, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.