Unang gatas ng ina, 'unang bakuna' ng sanggol | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Unang gatas ng ina, 'unang bakuna' ng sanggol

Unang gatas ng ina, 'unang bakuna' ng sanggol

ABS-CBN News

Clipboard

Binabakunahan ang mga sanggol upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami na ang unang 'bakuna' na magpoprotekta sa sanggol ay makikita sa gatas ng ina.

Sa programang 'Good Vibes' ng DZMM, inihambing ng breastfeeding counselor na si Ros Padua-Macachor sa bakuna ang unang gatas ng ina na tinatawag na 'colostrum'.

Napakayaman sa sustansiya ng colostrum at pinoprotektahan nito ang tiyan ng sanggol sa mga bacteria na maaaring pumasok dito.

"’Yon ang parang unang bakuna ng ating anak. Napakayaman nito sa sustansiya at ito ‘yong parang magiging film sa loob ng tiyan ng ating anak... Kung mayro’n mang makapasok na bacteria, 'yon ‘yong magiging parang protection ng bata," ani Padua-Macachor.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa ni Padua-Macachor, kalimitang iniisip ng mga ina na wala silang gatas sa mga unang araw ng pagpapasuso dahil inaasahan nila na kulay puti ang lalabas na gatas.

Paglalarawan niya, kulay dilaw, malapot, at patak-patak na gatas lamang ang colostrum.

"Liquid gold," paglalarawan pa ng breastfeeding counselor.

Tumatagal nang isa hanggang tatlong araw ang tila dilaw na gatas at lumalabas lamang ang kulay puti sa ikaapat o ikalimang araw.

"Usually 1 to 3 days and then pagdating ng fourth day to fifth day, tinatawag nating transitional milk, tapos ine-expect [na] usual na white na gatas, mga around fifth day ganyan. So kailangan lang maging matiyaga ang nanay."

ADVERTISEMENT

Benepisyo ng pagpapasuso

Bukod sa colostrum na mayaman sa sustansiya, mainam ang gatas ng ina dahil mas malakas ang resistensiya ng mga batang pinasuso ng ina.

"Hindi naman ibig sabihin na hindi sila magkakasakit. Magkakasakit talaga ang mga bata pero mas mabilis silang gumaling at kung tamaan man sila ng sakit, mas kinakaya nila," ani Padua-Macachor.

Lumalabas din aniya sa pag-aaral na mas matatalino ang mga batang breastfed.

"Ngayon meron na rin talagang pag-aaral, malawakan at mahabang pag-aaral na pinapakita na totoo [na] ang mga breastfed babies ay mas matatalino."

Mas tipid din aniya ang pagpapasuso dahil hindi na kailangang bumili ng gatas, tsupon, bote, at tubig.

ADVERTISEMENT

Tamang paraan ng pagpapasuso

Samantala, ipinaliwanag din ni Padua-Macachor ang tamang paraan ng pagpapasuso. Aniya, bagaman sinasabing "very natural" ito, nag-aadjust pa rin ang ina at bata sa pagpapasuso.

Dapat aniya ay malaki ang buka ng bibig ng bata tulad ng isang isda.

"Ihakab niya ‘yung as much of the areola of the mother. Hindi lang nipple kasi hindi tayo nipple feeding, breastfeeding," ayon kay Padua-Macachor.

Mainam din aniya kung magkadikit ang balat ng ina at sanggol.

"Ilagay lang nang ilagay ang bata sa suso. ‘Yung baby natin ilagay natin dito, skin to skin. Naka-diaper lang siya, si mommy naka-open din ‘yung blouse. Kumutan natin sila ng blanket tapos magyakapan lang sila. And then that will activate all the motherly hormones, the milk will flow."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.