Mga akdang Pinoy, ipinakilala sa Buwan ng Wika gamit ang social media | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga akdang Pinoy, ipinakilala sa Buwan ng Wika gamit ang social media

ABS-CBN News
Published Aug 02, 2017 06:32 PM PHT

Agosto na naman-- ang taon-taong ipinagdiriwang na 'Buwan ng Wikang Pambansa' o ang mas pinasimpleng 'Buwan ng Wika'.

Panahon muli ng pagbubunyi sa mga wika ng bansa, hindi lamang ang Tagalog, kung di maging ang Cebuano, Waray, Ilokano, at daan-daang iba pa.

Isa sa mga nakasanayang paraan upang ipagdiwang ang buwang ito ay ang pagkakaroon ng mga patimpalak, gaya ng mga sabayang pagbigkas, deklamasyon, at iba pang contest na kadalasang ginagawa sa mga paaralan.

Subalit, isang mas makabagong patimpalak at kampanya na rin sa social media na kapupulutan ng mga bagong kaalaman tungkol sa mga wika, akda, at kulturang Filipino ang sinimulan ng premyadong manunulat na si Edgar Calabia Samar.

Sa pamamagitan ng paggamit ng #BuwanNgMgaAkdangPinoy sa mga post sa social media na nagbabahagi tungkol sa mga paboritong akdang nilikha ng mga Filipinong manunulat, mas mabilis na makikita at madidiskubre ng iba pang netizens ang mga maaari pa nilang makilalang libro, tula, pelikula, teleserye, at iba pa.

"Muli nating ipakita ang suporta at pagmamahal sa mga akdang Pinoy sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga ito. Ipakita natin na hindi kayang lupigin ng mga digmaan at karahasan ang ating kamalayan at na may mga positibong bagay na maaari pang pag-usapan sa social media tulad ng patuloy na pagkatha at paglikha ng mahuhusay na akdang Pinoy sa kabila ng mga hamon at limitasyon ng ating kondisyon at panahon!" ayon kay Samar sa kanyang website na Santinakpan.

Sinimulan ng makata at nobelista ang kampanyang ito noong taong 2015 bilang pagbibigay-pugay sa mga manunulat na Pinoy at bilang pasasalamat sa mga akdang humubog sa kanya at kanyang nabasa sa kanyang pagtanda.

"Nagsimula ang online campaign na ito bílang isang pasasalamat. Sa palagay ko, napakalaking bahagi ng kung ano ako ngayon ang mga akdang nabása ko simula noong bata pa ako. At karamihan sa mga ito, mga akda ng mga manunulat na Pinoy...Kaya naman, noong 2015, inimbitahan ko ang mga kaibigan sa Facebook na ipagdiwang ang Buwan ng Wika bilang #BuwanNgMgaAkdangPinoy bilang pasasalamat sa mga akdang humubog ng kamalayan at pagmamahal natin sa bayan."

Narito ang ilan sa mga social media post ngayong #BuwanNgMgaAkdangPinoy:
Para sa Day 2 ng #BuwanNgMgaAkdangPinoy, narito ang KABANBANUAGAN: MGA KWENTO NG SONANG GERILYA (1987) ni Kris Montañez. pic.twitter.com/n7d85S9By5
— Edgar Calabia Samar (@ecsamar) August 2, 2017

Maliban sa mga bagong kaalaman, nagbibigay rin ng papremyo para sa pinakamalikhaing larawan, pinakamahusay na written post, pinakamahusay na video, pinakamaraming share/like,RT, at pinakamahusay na themed post.

Gaganapin ang patimpalak nang isang buong buwan, araw-araw ngayong Agosto.

Sa panahong puno ang social media ng mga pekeng balita at negatibong post, maaaring pangontra ang pagpapalaganap ng mas makabuluhan na mga bagay, gaya ng mga akdang Pinoy.