ALAMIN: Sintomas ng prostatitis | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Sintomas ng prostatitis

ALAMIN: Sintomas ng prostatitis

ABS-CBN News

Clipboard

Isa ang prostatitis, o ang pamamaga ng prostate dahil sa impeksiyon sa mga sakit na maaaring makukuha ng mga kalalakihang nasa edad 30 pataas.

Sa programang Magandang Gabi Dok ng DZMM Teleradyo, ibinahagi ni Dr. Perdo Lantin III ang mga posibleng sanhi at sintomas ng prostatitis.

Ayon kay Lantin, unang maaaring dahilan kung bakit nagkakaroon ng pamamaga sa daanan ng ihi ng mga lalaki ay ang pagka-ipit ng ugat sa prostate.

“Ang prostate ay nakapaikot sa daanan ng ihi. So, once na namaga iyan o lumaki, ang nangyayari ay sumisikip ang daanan ng ihi,” ani Lantin.

ADVERTISEMENT

SINTOMAS

Isa sa mga pangunahing sintomas ng pagkakaroon ng sakit ay ang pag-ire ng pasyente kapag umiihi. Kadalasan, ang mga lalaking may ganitong sakit ay putol-putol ang pag-ihi.

Sinabi ni Lantin na maaari ring maramdaman na hindi naubos ang ihi bukod pa sa mahina ang pag-agos nito.

Kabilang din sa sintomas ng prostatitis ay ang malimit na pag-ihi ng pasyente tuwing gabi.

Mayroong tatlong klase ng prostatitis, ayon kay Lantin. Ito ay ang acute bacterial prostatitis, chronic bacterial prostatitis, at chronic non-bacterial prostatitis o chronic pelvic pain syndrome.

Ang sakit na nararamdaman sa acute bacterial ay hindi kapareho ng nararadaman ng mga mayroong chronic bacterial prostatitis. Ang dalawang ito ay maaaring gamutin gamit ang antibiotics.

ADVERTISEMENT

Pero ang karaniwang prostatitis na tinatamaan ang kalalakihan ay ang chronic non-batcerial. Ayon kay Lantin, 90 porsiyento ng mayroong prostatitis ay non-bacterial ang sakit.

Ang mga mayroon nito ay nakararanas ng pananakit ng likod at kahirapan sa pag-ihi, sa kabila ng pagiging non-bacterial nito. Maaari ring masaktan ang lalaki kapag nakikipagtalik lalo na sa ejaculation.

Walang pang lunas para sa chronic non-bacterial prostatitis dahil na rin sa posibilidad na pagbalik nito, “Minsan gagaling sila pero after six months babalik na naman. Kaya minsan ina-advise naming ang pasyente na kailangan ang counselling kasi ‘yung iba nadedepress sila.”

Malaki rin ang tiyansa na magkaroon ng pamamaga sa prostate ang lalaki kung ito ay may Sexually Transmitted Disease o Urinary Tract Infections. Madalas ay edad 40 pababa ang tinatamaan ng naturang sakit.

Sa kabila nito, sinabi ni Lantin na hindi cancerous ang pagkakaroon ng prostatitis. “You will just have to live with it. Ang problema mo dito ay naiiba’ yung quality of life mo. Minsan pakiramdam mo mainit sa daanan ng ihi. Masakit ang butas ng pwet at may back pain,” sabi ng doctor.

ADVERTISEMENT

Hindi rin aniya hereditary o namamana ang sakit.

Paano nga ba malalaman kung ang pamamaga sa prostate ay prostatitis lamang at hindi prostate cancer?

Ayon kay Lantin, kung ang pamamaga ay matigas maaaring ito ay sintomas ng prostate cancer. Kapag ang pamamaga ay malambot ngunit masakit, ito ay karaniwang prostatitis.

Paalala pa ni Lantin, iwasan ang inuming may alcohol, maaanghang na pagkain at mga pagkaing maaaring magpataas ng acidity ng ihi.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.