Murder o homicide: mga krimen sa pagpatay ng tao, may pinagkaiba ba? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Murder o homicide: mga krimen sa pagpatay ng tao, may pinagkaiba ba?

Murder o homicide: mga krimen sa pagpatay ng tao, may pinagkaiba ba?

ABS-CBN News

Clipboard

Halos araw-araw na nakaririnig ng mga balita tungkol sa mga krimen sa pagpatay ng tao. Kadalasan, nasasampahan ang mga nahuhuling suspek ng mga kasong angkop sa krimen, at ilan sa mga ito ang kasong 'murder' at ang 'homicide'.

Ngunit ano nga ba ang pinagkaiba ng 'murder' sa 'homicide'? Ipinaliwanag ito ni Atty. Noel del Prado sa programang 'Usapang de Campanilla'.

Aniya, 'homicide' ang krimen kung nakapatay kahit walang intensiyong gawin ito. Samantala, 'murder' naman ang tawag kung sinasadya o may layunin ang pagpatay.

Isa umano sa 'qualifying circumstance' o kung paano masasabing 'murder' ang krimen ay ang 'evident premeditation' o ang maliwanag na paghahanda sa pagpatay. May tatlong panahong kinikilala: pagpaplano, pagdedesisyon sa pagpatay, at ang mismong aksiyon ng pagpatay.

ADVERTISEMENT

Sa ilalim ng Article 248 sa Revised Penal Code, nagiging murder ang isang kaso kung:

  1. mayroong treachery o nagpapakita ng pagtataksil
  2. pumatay dahil sa premyo, reward o pabuya
  3. nanunog, nambomba, nanlunod, nanlason, pumatay gamit ang kahit anong sasakyan
  4. ginawa sa okasiyon ng kahit na anong kalamidad, gaya ng lindol, pagsabog ng bulkan, at iba pa
  5. may maliwanag na paghahanda sa pagpatay
  6. may cruelty o sobrang pagpapahirap bago patayin

Napapabilang ang 'murder' sa may 'capital offense'. Ibig sabihin, ito ang krimen na may pinakamataas na posibleng parusang pinapayagan sa batas. Sa kasalukuyan, 'reclusion perpetua' ang iginagawad sa mapapatunayang nagkasala. Makukulong ang nahatulan sa loob ng 20-40 taon. Hindi ito maaaring magawaran ng pardon kung hindi pa ito nakukulong nang hindi bababa sa 30 taon.

Dagdag ni Del Prado, hindi makakapagpiyansa ang may kasong murder kung malakas ang ebidensiya laban sa kanya.

Sa homicide, may karapatan ang akusadong makapagpiyansa dahil hindi ito capital offense. Reclusion perpetua na nasa 20 years ang parusa sa homicide.

Sa pagpatay naman na kinasasangkutan ng marami pang iba, tinitingnan kung ano ang intensiyon at kung ano ang aktuwal na ginawa o partisipasyon ng taong sangkot.

Lahat umano sila, basta may partisipasiyon, kahit wala ang presensiya nang maganap ang krimen ay maaari pa ring makasuhan ng murder.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.