World Snake Day: Biology graduate, ibinahagi ang kuha sa mga ahas sa Catanduanes | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
World Snake Day: Biology graduate, ibinahagi ang kuha sa mga ahas sa Catanduanes

ABS-CBN News
Published Jul 17, 2022 04:40 PM PHT

Ibinahagi ng 26-anyos na wildlife conservation advocate na si Feliciano Avila de Leon Jr., ang mga retrato ng iba’t ibang ahas na naidokumento niya sa Catanduanes sa pagdiriwang ng World Snake Day, Sabado.

Katuwang ang Catanduanes Biodiversity Group, nasa 33 species ng ahas na ang na-encounter niya sa islang probinsiya, gaya ng common wolf snake, Philippine blunt-headed tree snake, reddish rat snake, oriental vine snake, red-tailed green rat snake at Luzon bronzeback.

Ang Philippine cobra ang pinakamakamandag at pinakanakamamatay na ahas na nakita niya, gaya ng ahas na namataan ng motoristang si Dian Tabuzo na tumatawid sa kalsada sa Barangay Cabugao, Bato, Catanduanes nitong Sabado.

Pinakabihira naman umano niyang makita ang smooth-scaled mountain rat snake.
Pinakabihira naman umano niyang makita ang smooth-scaled mountain rat snake.
ADVERTISEMENT
Aniya pa, mahalagang pangalagaan ang wildlife dahil malaki ang tungkulin nito sa balance ecosystem. Tumutulong umano ang mga ahas na makontrol ang pagdami ng invasive animals gaya ng daga na sumisira sa mga pananim.

"Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang mga ahas din ay mayroong ambag sa usaping medisina na kung saan ang raw materials nito ay nanggagaling sa iba't ibang specific na species ng ahas," saad ni de Leon na nagka-interes sa wildlife noong high school.

Kung makatatagpo ng ahas, payo niya, huwag itong saktan, hawakan, hulihin at lumayo na lang lalo na kung nasa gubat. Mag-report sa eksperto kung sakaling may banta naman ito sa seguridad ng publiko.

Walang wildlife rehabilitation center sa Catanduanes. Aktibong partner umano ng mga conservationist ang Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Patuloy si de Leon sa pagtuturo sa publiko ng tamang pagtugon sa natuklaw ng ahas.

"Manatiling kalmado upang ang circulation ng dugo ay hindi maging mabilis, picturan ang ahas na nakatuklaw kung maaari, tumawag ng saklolo, alisin ang mga hikaw at singsing kung mayroon malapit sa parte na natuklaw, maglagay ng tourniquet sa itaas na parte ng natuklaw para makontrol ang blood flow at hindi ito agad umakyat sa ulo kung injected na ng venom lalo na kung ito ay neurotoxin, pumunta agad sa pagamutan, ikwento ang pangyayari at ipakita ang larawan ng ahas para sa lunas na akma dito," ani de Leon na nagtapos ng kursong BS Biology sa Catanduanes State University nitong Hunyo.

"Huwag na huwag magpapa-albularyo," mahigpit na paalala nito.

- ulat ni Jonathan Magistrado
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT