Paano nagdudulot ng pagkalaglag ang kape, alak, yosi? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paano nagdudulot ng pagkalaglag ang kape, alak, yosi?

Paano nagdudulot ng pagkalaglag ang kape, alak, yosi?

ABS-CBN News

Clipboard

Nagbabala ang isang doktor sa mga buntis ukol sa labis na paninigarilyo, at pag-inom ng alak at kape, na maaari umanong maging sanhi ng pagkalaglag.

Sa programang "Salamat Dok," ipinalawanag ng gynaecologist na si Maria Lourdes Escobar na maaaring magdulot ang sigarilyo, alak at kape ng vasoconstriction o paninikip ng mga ugat.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagiging hadlang naman daw ang paninikip ng mga ugat sa pagbigay sa ipinagbubuntis ng mga pangangailangan nito, dahilan para mamatay ito at malaglag.

"Importanteng-importante ang oxygen supply sa baby in the formative stages of pregnancy. 'Pag nawalan ng oxygen supply 'yan, you cannot get the optimum effect para doon sa baby," sabi ni Escobar.

ADVERTISEMENT

Ayon pa kay Escobar, may ilang palatandaan sa delikadong pagbubuntis, tulad ng pagkaramdam ng discomfort o pananakit at spotting o pagdurugo ng vagina.

"Kapag bata pa 'yang pregnancy, less than three months, threatened. Mag-uumpisa 'yan sa pain, magkaka-discomfort sa puson tapos magkakaroon ng spotting," paliwanag ni Escobar.

Madalas umano ay hindi binibigyang pansin ng ilang buntis ang mga sintomas na ito.

"Pink discharge, brown discharge, wala lang sa kanila. That's why it's important na 'pag nagpa-check up sila, sasabihin ng doktor, 'Ma'am 'pag mayroon po kayong spotting o pagsakit ng puson, pumunta kaagad,'" ani Escobar.

Kapag "high risk" ang pagbubuntis ng isang babae o mataas ang tsansang siya'y makunan, mainam na magpatingin ang babae sa doktor kada dalawang linggo.

ADVERTISEMENT

Para naman sa mga "normal" ang pagbubuntis, mainam na magpatingin kada buwan.

Pagpasok ng ikawalong buwan ng pagbubuntis ay ipinapayong magpatingin sa doktor kada dalawang linggo dahil kritikal na raw ang panahong iyon.

Kung nagbabalak namang magkaroon ng anak, mahalaga ring magpatingin sa doktor bago bumuo para malaman kung may mga taglay na sakit na maaaring makaapekto sa pagbubuntis.

"Kailangan una, maganda ang history ng regla bago maka-initiate ng magandang pagbubuntis. Pangalawa, nagamot lahat ng medical conditions bago i-allow na magbuntis ang isang pasyente," ani Escobar.

Ipinapayo rin ni Escobar ang limitadong aktibidad tuwing nagbubuntis. "Kung ano 'yong usual mo na hindi extreme," aniya.

ADVERTISEMENT

May mga gamot ding ibinibigay ang mga doktor para maitawid ang pagbubuntis, gaya ng progesterone.

"Isa siyang hormone to support the pregnancy, siya ang hormone of pregnancy. So siya 'yong binibigay para hindi dere-deretsong makunan ng pregnancy," paliwanag ng doktora.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.