Addiction o gawi? Paano malalaman kung adik na sa isang bagay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Addiction o gawi? Paano malalaman kung adik na sa isang bagay

Addiction o gawi? Paano malalaman kung adik na sa isang bagay

Neima Chowdhury,

ABS-CBN News

Clipboard

May mga bagay na nakagawian na ngunit kailan nga ba masasabi kung ito ay labis nang ginagawa at humahantong na sa addiction o pagkalulong sa ibang bagay?

Sa programang Sakto ng DZMM, ipinaliwanag ng clinical psychologist na si Dra. Ma. Florizel del Prado-Marquez na maituturing na addiction ang isang bagay kapag ito ay may masama nang epekto sa kalusugan at mahirap nang iwasan.

"You realize that it becomes an addiction already when for health problems and the doctor ordered you to take-off totally and then you get withdrawal symptoms," ani Marquez.

Karaniwan umano na ang addiction ay may pinupunang pagkukulang sa pakiramdam ng isang tao at ito ay nangangailangan ng tulong ng doktor o rehabilitasyon.

ADVERTISEMENT

"Kailangan siya mag-enroll o i-submit niya 'yung sarili niya to a rehab program that will address [the addiction] kasi usually itong mga ganitong mental disorder o addiction, mayro'ng void na pinifill-up 'yong addicting behavior na 'yon. So usually pagka ganyan, feeling nila kasi if they acquire material things, sikat sila or it boosts their self-esteem," salaysay ng doktor.

Samantala, pinaliwanag ni Marquez na "it can be a good habit if it makes you function. Kung hindi naman din at stake ang health mo, ok lang na you keep the habit kahit sometimes you can term it as an addiction already."

Ang ilan sa halimbawa ng addiction ay ang labis na pagsusugal at pangungutang.

Karaniwan, hindi aniya sa laro mismo nahuhumaling ang mga nagsusugal kundi sa pagtataas ng pusta dahil nagbibigay ito ng kakaibang pakiramdam.

"Usually kasi 'yung high nung pagbebet. The more risky 'yung at stake, 'yung high na 'yon that is given to them, 'yun 'yung sini-seek nila. Kasi it bring them to that particular high na they don't get from anything else," paglilinaw ni Marquez.

ADVERTISEMENT

Samantala, ang mga nangungutang nang labis ay karaniwang nakikitaan umano ng compulsive shopping o acquiring of things.

"Bukod sa pangungutang, may iba pang addiction siya dahil hindi siya mangungutang kung wala siyang gustong bilhin. So compulsive shopping or compulsive acquiring of material things kaya siya nangungutang," paglilinaw ni Marquez.

"So usually pagka ganyan, feeling nila kasi if they acquire material things, sikat sila or it boost their self-esteem."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.