ALAMIN: Bakit sumisikat ang Everwing at iba pang games sa social media? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Bakit sumisikat ang Everwing at iba pang games sa social media?

ABS-CBN News
Published Jul 05, 2017 08:19 PM PHT
|
Updated Jul 06, 2017 04:19 AM PHT

Bagong kinahuhumalingan ng mga gamers at netizens ang mga larong Everwing, Pacman, Basketball, at iba pang instant games. Bakit nga ba ito sumisikat ngayon?

Dating hari ang Facebook sa online gaming dahil sa Farmville, pero nang sumikat na ang mga smartphone, samu't sari ang games nito na kinaadikan ng marami.

Subalit noong Mayo, inilunsad ng Facebook ang kanilang FB Messenger Instant Games, at mabilis din itong sumisikat.

Ilan sa mga pinakasikat ng FB Messenger ay ang Everwing, Pacman, Basketball, at ang Words with Friends.

ADVERTISEMENT
Ayon sa isang tech editor, mabilis sumikat ang Instant Games dahil sa milyon-milyong gumagamit ng FB messenger.

"Ang tawag dito ay rich experience ng games, kasi puwede ka makipaglaro sa friends mo sa Facebook. Pagkatapos, mayroon kang leaderboard, malalaman sino lumalalamang, ano ang standing mo," ayon kay Art Samaniego, isang tech news editor.

Malaking bagay daw ang aspektong social ng instant games, dahil puwedeng makatapat ng isang user ang kanyang Facebook friends.

"Ito'y napaka-epektibong paraan para gamitin ito ng tao kasi nakikipag-contest ka. Puwede ka mag-invite ng friends para makipaglaro sa'yo, at mayroon itong leader board," ani Samaniego.

Ngunit, kailangan ng data plan para malaro ang FB Messenger Instant Games.

"Hindi ganoon kalaki 'yung kinakain niyang bandwidth o plan mo, so para ka lang nagfe-Facebook Messenger 'pag gamit mo ito," aniya.

Sa ngayon, may 50 games na ang inilunsad ng Facebook sa Instant Games sa Messenger app.

-- Ulat ni TJ Manotoc, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT