Parenting Tip: 'Pagtuturo ng bata na magbasa di dapat minamadali' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Parenting Tip: 'Pagtuturo ng bata na magbasa di dapat minamadali'

Parenting Tip: 'Pagtuturo ng bata na magbasa di dapat minamadali'

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 04, 2019 02:10 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Malaking hakbang para sa isang bata ang matutunan niyang magbasa, isang kakayanan na dadalhin nila hanggang pagtanda.

Pero babala ng isang guro, hindi dapat minamadali ang pagtuturo nito sa bata para mas maisapuso niya ito.

Para sa family life and child development specialist na si Claudette Tandoc, may mga lumalapit umano sa kaniya na mga magulang na umaasang mabilis nang magbasa ang kanilang mga paslit pagkatapos ng school year, na hindi naman daw dapat.

Ayon kay Tandoc, may mga stages ang bata sa kaniyang buhay kung saan niya natututunan ang pagbabasa.

ADVERTISEMENT

Kabilang sa unang hakbang ng bata sa pagbabasa ay kung ano ang kanilang nakikita sa mga billboard. Ayon kay Tandoc, mahalagang maging masinsinan ang pagtuturo sa bata kung paano bigkasin ang kaniyang nababasa.

"Hindi nagagalit pag mali. I'm sure nadaanan natin lahat when we were small, binabasa natin 'wel-co-me' diba? O 'yong ice cream 'ise-cre-am' o eh kung pagagalitan mo agad iyon, hindi na magta-try ang bata," ani Tandoc sa "Sakto" ng DZMM.

"Yun ang principle palagi even in writing and spelling. Pag sinabi mong 'bat ganiyan' mali iyan diba dapat alam mo iyan? May paraan sa pag-correct."

Hindi rin ipinapayo ni Tandoc ang memorisasyon ng mga salita o bagay, maliban na lang kung i-a-apply ito sa araw-araw na gawain.

Dapat din munang tingnan kung ang bata ay interesado nang matutong magbasa at hindi dapat sapilitan ang pagtuturo nito.

ADVERTISEMENT

Ani Tandoc, magagawa ito ng bata kung ang mga tao sa kaniyang paligid ay mahilig magbasa at kung i-e-expose ang bata sa mga libro sa maagang edad.

"May mga diyaryo ba sa bahay? May maliliit, may nakikita ba siyang labels?" ani Tandoc.

"We don't expect the child to read right away. Pero dahan-dahan, we are telling them na 'alam mo ba anak' ang sinasabi can be printed and can be read."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.