ALAMIN: Ano ang eczema o dermatitis? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Ano ang eczema o dermatitis?
ALAMIN: Ano ang eczema o dermatitis?
ABS-CBN News
Published Jul 04, 2019 05:15 PM PHT
|
Updated Jul 04, 2019 05:35 PM PHT

Nakakaramdam ka ba ng pagkakaliskis at pangangati sa balat?

Maaaring sintomas na iyan ng eczema o dermatitis, ayon sa dermatologist na si Luisa Ticzon-Puyat sa "Good Vibes" ng DZMM.

Ayon kay Ticzon-Puyat, nararamdaman ang eczema sa iba't ibang bahagi ng katawan gaya ng siko at alak-alakan (calf.)

Dahil sa eczema, nararamdaman ng pasyente na "nangangapal, nagkakaliskis, nagangapal at lumalaki" ang apektadong balat.

Ani Puyat, may dalawang klase ng eczema: ang atopic o mas kilala bilang skin asthma, at contact dermatitis.

Karaniwang nakukuha ng mga kabataan ang atopic dermatitis kung saan nagiging masyadong "reactive" ang immune system ng bata sa mga allergens gaya ng alikabok.

"Sobrang highly reactive ang kanilang immune system, na sobrang madikit lang sa alikabok, mamamaga na 'yung balat," ani Ticzon-Puyat.

Nararanasan naman ang contact dermatitis kapag na-e-expose ang katawan sa matatapang na kemikal gaya ng detergent o kaya mga alahas na gawa sa nickel.

Nababago rin aniya ang klase ng dermatitis ng isang tao depende kung saan niya ito nakuha.
Nababago rin aniya ang klase ng dermatitis ng isang tao depende kung saan niya ito nakuha.
ADVERTISEMENT
"'Pag nae-expose ang kanilang balat sa allergens, halimbawa sa mababango gaya ng detergents, leather glue, nickel... So ito po, kapag nagsusuot ng hikaw na may nickel, nakikita niyong nagsusugat ang likod," ani Ticzon-Puyat.

Mayroon aniyang dyshidrotic eczema kung saan nagkakaroon ng butlig ang mga pasyente sa kaniyang daliri o talampakan at naglalaman ito ng mga tubig na makikita kapag sobra ang pagkakamot dito.

Naroon din ang nummular eczema kung saan tila "nagpipiso" ang ilang parte ng balat ng pasyente.

SANHI AT LUNAS
Kadalasang sanhi ng stress ang pagkakroon ng eczema at ang pagbabago ng temperatura, ayon kay Ticzon-Puyat.

"Kapag sobrang lamig. 'Pag nagpupunta ka sa ibang bansa. Actually 'pag December ang dami kong pasyente... 'galit na naman yung mga balat nila,'" ani Ticzon-Puyat.

Bagaman pabalik-balik ang eczema ay may paraan pa raw para mawala ito.

Ipinapayo ni Ticzon-Puyat na maligo ang mga pasyente sa maligamgam na tubig. Kadalasan kasi umanong nagdudulot ng pangangati ang pagligo ng malamig na tubig.

Dapat din aniyang lagyan ng mineral oil ang balat at gumamit ng lotion na walang amoy.

Mahalaga rin aniya na hangga't maaari ay huwag kamutin ang apektadong parte ng katawan.

Importante ring pahiran ng petroleum jelly ang apektadong balat. Pero ipinaalala ni Puyat na hindi ito ang permanenteng lunas sa balat na may eczema.

Mas mabuti pa rin aniyang pumunta sa doktor para ma-prescribe-an ng ointment gaya ng topical steroids.