Pagalingan sa pagkudkod ng niyog, pagbukas ng pili, tampok sa Tabak Festival | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagalingan sa pagkudkod ng niyog, pagbukas ng pili, tampok sa Tabak Festival

Pagalingan sa pagkudkod ng niyog, pagbukas ng pili, tampok sa Tabak Festival

ABS-CBN News

Clipboard

Nakisaya sa mga naiibang paligsahan ang mga taga-Tabaco City, Albay para sa pagdiriwang ng kanilang taunang Tabak Festival.

Unang sumalang ang ang ilang magigiting na ginoo sa pagalingang magkudkod ng niyog.

Sa loob ng isang minuto, dapat mabitak na ng mga kalahok ang niyog. Pero hindi riyan nagtatapos ang contest dahil dapat din nilang kudkurin ang mga nabiyak na niyog.

Dalawang minuto lang ang ibinigay sa contestants para magpaparamihan sa makukudkod na niyog.

ADVERTISEMENT

Sunod niyan, nagparamihan naman ang contestants sa mga makukuhang gata sa nakudkod na niyog.

Nagtagisan ang mga kalahok sa pagkudkod ng niyog at pagpiga ng kinayod hanggang lumabas ang gata.

Kung may pabilisan sa pagkudkod ng niyog ang kalalakihan, di naman nagpahuli ang kababaihan sa kanilang tagisan sa pagbubukas ng pili.

Ang siste sa labanan, dapat hindi mawarak ang mismong pili nut kapag binuksan ang 'shell' nito.

Nagtagisan ang mga kalahok sa pagbubukas ng pili nuts.

Wagi sa kumpetisyon ang 63 anyos na si Leticia Avila na nagtatrabaho sa isang pagawaan ng mga produktong may sangkap na pili nuts.

Kuwento ni Lola Leticia, matinding kontrol sa tabak o panghiwa ang sekreto sa kaniyang 'perfect' na pagbubukas ng pili nut.

Ipinagdiwang ang Tabak Festival hanggang nitong Linggo, Hunyo 25. -- Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.