VIRAL: UST student, binandera ang trans flag sa Baccalaureate Mass | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
VIRAL: UST student, binandera ang trans flag sa Baccalaureate Mass

Josiah Antonio,
ABS-CBN News
Published Jun 23, 2022 07:31 PM PHT

MAYNILA — Viral ngayon sa social media ang pagbandera ng isang estudyante sa University of Santo Tomas (UST) ng trans flag sa Baccalaureate Mass nitong Hunyo.

Kwento ng behavioral science graduate na si Marnella Sofia Ferro, 25, sa ABS-CBN News, nakapagtapos na siya ng pag-aaral nitong 2020 pero kinuha niya ang pagkakataong ito para masuot ang pambabaeng uniporme sa unang pagkakataon.

Aniya, hindi niya mapigilan ang tuwa na kanyang nararamdaman nang pumarada na siya sa kanilang pamantasan.

"‘Yung uniform ko kasi nung college, barong na panlalaki kahit trans na ako noon, long hair na ako. Tapos sabi ko, what if suot ko na kaya ‘yung uniform na pambabae?" ani Ferro sa ABS-CBN News.

"Nung nakapagsuot na ako ng uniform na pambabae, ang saya-saya ko. Ang ano ng feeling ng puso ko na finally, Marnella, ito na ‘yung uniform na para sa ’yo, na dapat nung college suot mo," dagdag pa niya.

Masaya rin si Ferro na maraming natutuwa sa kanyang post na umani na ng 6,000 reactions at 1,000 shares at diniin na ginagawa niya ito para sa kanyang sarili.

"Natuwa ako kasi never kong in-expect na magbo-blow up ‘yung post kong ‘yun. Sabi ko, hala ang lakas naman ng impact nung dating ng viral post ko kasi ‘yun nga ginawa ko siya para sa sarili ko," aniya.

Payo naman ni Ferro sa mga miyembro ng LGBT: "Huwag mahihiya kung ano kayo. Kung tama ‘yung pinaglalaban niyo, ipaglaban mo lang hangga’t sa wala kang tinatapakang tao."

"Kung hindi ka pa nagka-come out, it takes time, huwag mong madaliin sarili mo. Tanggap ka pa rin namin. Ngayong Pride Month, gusto ko lang is maging masaya tayo," aniya.

"Sana dumating ang panahon na mas matanggap tayo sa lipunan, tayong mga trans kasi alam naman natin na tino-tolerate tayo pero hindi tayo fully ina-accept dito sa Philippines."

KAUGNAY NA ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT