Joel Cruz umabot sa halos P52 milyon ang ginastos para sa surrogacy ng 8 anak | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Joel Cruz umabot sa halos P52 milyon ang ginastos para sa surrogacy ng 8 anak

Joel Cruz umabot sa halos P52 milyon ang ginastos para sa surrogacy ng 8 anak

ABS-CBN News

Clipboard

Mula sa Instagram ni Joel Cruz

Umabot sa P52 milyong piso ang ginastos ng kinikilalang “Lord of Scents” ng Pilipinas na si Joel Cruz para maisakatuparan ang pagkakaroon ng malaking pamilya.

Sa kaniyang panayam kay Ogie Diaz, naging bukas si Cruz sa mga pinagdaanan bago naging matagumpay ang surrogacy ng kaniyang mga anak sa isang Russian.

Ayon kay Cruz, matagal na nitong pangarap magkaanak ngunit hindi niya kaya gawin ang natural na paraan o ‘di kaya’y mag-ampon ng bata.

“Ayaw ko talaga ng adoption. Gusto ko sarili kong anak. Pero hindi ko naman kaya na may babae,” pag-amin nito.

ADVERTISEMENT

Kaya naman surrogacy o isang kasunduang pumapayag ang isang babae na ipagbuntis ang anak ng mag-asawa o ‘di kaya’y ng sperm donor.

Una umano niya itong sinubukan sa Pilipinas 25 taon na ang nakakaraan kahit ilegal ito sa bansa ngunit hindi umano nagiging maayos dahil hindi kumakapit sa mga napiling nanay makalipas ang dalawang linggo.

Isang dekada muna ang lumipas bago napagtanto ni Cruz na gawin na ang surrogacy sa ibang bansa kung saan legal ito at puwede ang single father katulad sa Russia.

Ngunit hindi rin naging madali para kay Cruz ang mga proseso dahil mahigpit din ang awtoridad ng Russia sa mga nagpaplanong magpa-surrogate.

“They really have to interview me kung bakit gusto ko talaga magkaanak. Kasi di naman sila agad-agad tumutulong,” kuwento niya.

ADVERTISEMENT

Umiyak din umano siya sa harapan ng isang abogado sa Russia upang mapayagan sa surrogacy.

“Sa harap ng lawyer sa Russia, umiiyak na ako sa harap niya na gustong-gusto ko na talaga magka-anak. They have to check kung ano gagawin mo sa bata. Baka mamaya ibenta mo yung bata,” pahayag ni Cruz.

“Kung alam talaga na you are sincere, na gustong-gusto mo talaga magka-anak, kaya mong bigyan ng buhay ‘yun, bigyan ng education ‘yun, mabigyan ng magandang buhay ang bata, papayagan ka nila.”

Kasunod nito, binigyan si Joel ng pagpipilian ng magiging nanay ng kaniyang anak kung saan may mga larawan ng iba’t ibang qualified na babae kasama ang kanilang mga background.

Napili ni Cruz si Lilia dahil ito aniya ang pinakamatangkad (5’11”) sa lahat ng nasa listahan. Ito na rin ang naging ina ng lahat ng kaniyang 8 anak.

ADVERTISEMENT

“Maganda naman siya, parang Julia Roberts ang mukha niya. Smart. Mayroon siyang isang daughter,” ayon kay Cruz.

Matapos ipanganak ang kaniyang unang kambal, nakiusap umano ito kay Lilia na alagaan muna ang mga bata habang inaasikaso niya ang papeles para madala sa Pilipinas ang mga ito.

Kaya naman kahit papaano, nalulungkot umano ang Russian kapag kinukuha na ang mga bata.

“Naluluha siya. Nalulungkot siya. Kasi naman, hindi lang naman ako ang client niya. Bago ako, meron siyang French couple na naging client tapos second client niya ako. After nu’n, nag-client siya ng European din,” salaysay pa ng CEO ng Aficionado Perfumes.

Diretsong tinanong din ni Diaz si Cruz kung gaano kalaki ang ginastos niya para sa surrogacy ng mga anak.

ADVERTISEMENT

Pag-amin nito, umabot sa halos P12 milyon ang nagastos niya nang ipanganak ang unang kambal niya.

Nasa tig-P11 milyon naman ang ikalawa at ikatlong set ng kambal. Tig-P9 milyon naman ang nagastos niya sa ikapito at ikawalong anak niya.

“Inaabutan ko din si Liliia. Kumbaga personally, personal money binibigyan ko siya. Siyempre may bayad siya du’n sa firm,” dagdag pa ni Joel.

May ideya na rin aniya ang kaniyang panganay na kambal kung paano sila naipanganak ngunit hindi pa umano ganoon kadetalyado.

Nakatakda rin sanang bumisita si Lilia sa Pilipinas kasama ang kaniyang sariling pamilya ngunit hindi natuloy dahil sa pandemya.

Related video:

Watch more in iWantv or TFC.tv

Watch more in iWantv or TFC.tv

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.