ALAMIN: Mga karaniwang sanhi, sintomas ng sakit sa bato | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Mga karaniwang sanhi, sintomas ng sakit sa bato

ABS-CBN News
Published Jun 17, 2019 04:59 PM PHT
|
Updated Jun 17, 2019 05:31 PM PHT

Binigyang diin ng isang espesyalista ang wastong pangangalaga sa bato (kidney), na may mga mahalagang ginagampanan sa katawan ng tao.

Pangunahing papel ng mga bato ang pagsala sa dugo at pag-alis ng mga dumi sa katawan ng tao, sabi sa DZMM ng nephrologist na si Dr. Maaliddin Biruar.

"Siya 'yong nagfi-filter ng ating dugo. So lahat ng tubig na pumapasok sa ating katawan, mina-manage ng kidney, and then [siya rin] 'yong [nag-aalis ng] maruruming nakakain natin, 'yong mga toxins," ani Biruar sa programang "Good Vibes."

Pinakaraniwan umanong sakit sa bato ay ang chronic kidney disease o iyong unti-unting pagkawala ng kakayahan ng mga bato na tuparin ang mga gawain nito.

Mayroong 5 stage ang kidney disease, ani Biruar, at kapag umabot na sa Stage 5 ay kailangan na raw sumailalim sa dialysis o kidney transplant.

Ilan naman sa mga karaniwang sanhi ng sakit sa bato ay diyabetes, hypertension, at chronic glomerulonephritis, ayon kay Biruar.

Ang chronic glomerulonephritis ay tumutukoy sa grupo ng mga sakit kung saan namamaga o napipinsala ang glomerulus o iyong mga bahagi ng bato na nagsasala sa dugo ng tao.

Isa sa mga nabanggit na halimbawa ni Biruar na sanhi ng glomerulonephritis ay ang sakit na lupus o iyong sakit kung saan inaatake ng immune system ng isang tao ang sarili nitong mga tissue at organ.

Ayon sa doktor, ilan sa mga "warning sign" o sintomas na maaaring may sakit sa bato ang isang tao ang mga sumusunod:

- Pagkukulay tsaa ng ihi na nangangahulugang kulang ang red blood cells
- Pagkaunti ng iniihi
- Pagsakit ng tagiliran
- Pagtaas ng presyon ng dugo
- Pagmamanas
- Periorbital edema o iyong pagmamanas sa may mata
- Pamumutla

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
kalusugan
bato
kidney
diyabetes
hypertension
chronic glomerulonephritis
Good Vibes
DZMM
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT