Paggunita sa ika-30 anibersaryo ng pagsabog ng Mt. Pinatubo, idinaan sa art installation | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paggunita sa ika-30 anibersaryo ng pagsabog ng Mt. Pinatubo, idinaan sa art installation

ABS-CBN News
Published Jun 16, 2021 12:24 PM PHT

Idinaan sa iba't ibang art installation sa bayan ng Porac sa Pampanga ang paggunita sa ika-30 anibersaryo ng pagsabog ng Mt. Pinatubo.

Sa pangunguna ng Porac Tourism Office, pinakita sa pamamagitan ng mga likhang sining ang ilan sa mga bagay na nagmula sa bulkan.

Kabilang dito ang pumice rocks, ang mga bato na nabuo nang sumabog ang bulkan. Kumalat ang mga ito at kinuha mula sa Porac River.

Mayroon ding lahar sand at mga rock stacks na simbolo naman ng magandang nangyari sa munisipalidad, tulad ng pagbuo ng buhangin sa mga upland communities, matapos ang kalamidad.

ADVERTISEMENT
Bahagi rin ng paggunita ang exhibit ng mga larawan na personal na kuha ni Raul Calma, Sand Art Exhibit na nilikha ng Pinatubo souvenir sculptor na si Roberto Cunanan, at mga likhang sining ng Porac Young Artists na pinamumunuan ni Hermie Pineda.

Ginunita nitong Lunes ang isa sa pinakamalakas at mapaminsalang pagputok ng bulkan sa buong daantaon. Isa sa mga pinakamatinding naapektuhan ng pagsabog ang mga bayan ng Porac at Bacolor, at ang Angeles City sa Pampanga.

Sa Angeles City naman, muling binuksan sa publiko ang Mt. Pinatubo Museum bilang pag-alala sa trahedya at pagpupugay sa katatagan at katapangan ng mga Kapampangan.

- ulat ni Gracie Rutao
KAUGNAY NA VIDEO MULA SA ARCHIVES
Read More:
Pampanga
Porac
Porac Tourism Office
Mt. Pinatubo
Mt. Pinatubo eruption
art installation
Tagalog news
Pinatubo
regions
regional news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT