Pambansang ulam? Netizens kanya-kanyang bida ng kanilang mga paborito | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pambansang ulam? Netizens kanya-kanyang bida ng kanilang mga paborito

ABS-CBN News
Published Jun 12, 2019 07:44 AM PHT
|
Updated Jun 12, 2019 07:48 AM PHT

Hindi maikakailang mahilig sa pagkain ang mga Pinoy, bagay na sadyang bahagi na ng kultura nito.

At dahil may mga idineklara nang pambansang sagisag gaya ng bulaklak, puno, at ibon, dapat na rin nga bang magkaroon ng pambansang ulam?

Dahil sa tanong na ito, kanya-kanyang bida naman ang mga netizen kung ano sa palagay nila ang dapat manguna sa mga patok na ulam sa hapag-kainan ng mga Pinoy.

Nanguna pa rin sa mga inihirit ng mga netizen ang adobo, mapa-adobong baboy, sitaw o kangkong.
Nanguna pa rin sa mga inihirit ng mga netizen ang adobo, mapa-adobong baboy, sitaw o kangkong.
ADVERTISEMENT
Hindi rin nagpatalo ang mga tagasuporta ng sinigang.

Ibinandera rin ng netizen ang mga patok na ulam mula sa iba't ibang rehiyon ng bansa.

May ilan namang nagsabing dahil sa hirap ngayon ng buhay, ay mga murang pagkain gaya ng tuyo ang dapat maging pambansang ulam.

Siyempre pa, hindi rin mawawala ang kanya-kanyang hugot ng mga Pinoy kakabit ng kani-kanilang paboritong ulam.

Basahin dito ang iba pang mga nakaaaliw na suhestyon ng mga netizen.

Ikaw Kapamilya, ano'ng pambato mo para maging pambansang ulam?