Call-and-text phone na tumatagal nang 22 oras, nagbabalik | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Call-and-text phone na tumatagal nang 22 oras, nagbabalik

ABS-CBN News
Published Jun 08, 2017 06:07 PM PHT
|
Updated Jun 08, 2017 11:23 PM PHT

Taong 2000 nang sumikat ang isang modelo ng mobile phone na pumatok sa mga bagets, at maski ng mga hindi na masyadong bagets.

Iyan ang Nokia 3310 na bukod sa call at text, nagpasikat din sa tanong noon na, “Anong high score mo sa ‘Snake’?”

Ngayon, muling binigyang buhay ang klasikong cellphone. Dinala na sa bansa ang bagong bersiyon ng Nokia 3310. May hawig pa rin ito sa dating modelo at may naka-install na ring larong ‘Snake’ at ang operating system ng Nokia.

May kapasidad itong tumagal nang hanggang 22 oras nang hindi kailangang i-recharge. Kung hindi rin masyadong gagamitin, kayang tumagal nang hanggang isang buwan nitong cellphone nang hindi nire-recharge.

ADVERTISEMENT
Nagkakahalaga ng P2,490 ang kada unit ng Nokia 3310 na mabibili sa katapusan ng Hunyo.

Bago itigil ang produksiyon ng dating bersiyon ng 3310 noong taong 2005, nakabenta muna ito ng 120 milyong units na itinuturing na pinakamarami noong panahong iyon.