ALAMIN: Iba't ibang sanhi ng Hepatitis A | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Iba't ibang sanhi ng Hepatitis A

ABS-CBN News
Published Jun 02, 2019 01:44 PM PHT
|
Updated Jun 02, 2019 04:05 PM PHT

MAYNILA - Naninilaw ba ang iyong balat at sumasakit ang iyong tiyan at katawan?

Maaaring sintomas na iyan ng Hepatitis A, na isang sakit sa atay na madaling makahawa.

Nakukuha ang Hepatitis A kapag nahawakan, nainom, o nakain ang isang bagay na kontaminado ng feces o dumi ng mayroong Hepatitis A, ayon kay Dr. Bernadette Seludo.

Paliwanag ni Seludo, ang pangunahing sanhi raw ng Hepatitis A ay ang dumi ng isang indibidwal, na maaaring kumalat kapag hindi ito naghugas ng kaniyang kamay.

"Usually sa ingestion of contaminated food and water. Kadalasan 'yung feces o dumi o tao coming from an infected person with Hepatitis A," ani Seludo sa "Salamat Dok."

"Hindi siya naghugas ng kamay kapag nag-prepare ng pagkain pupunta sa iyo ('yung virus)," dagdag niya.

Mas madalas umanong nakakakuha nito ang mga mahihilig kumain ng street food na nakababad sa kalsada at mas madaling makakuha ng virus.

Halimbawa na lang umano rito ang isaw o inihaw na bituka ng manok kung saan may pagkakataon na nahahalo ang dumi ng manok sa loob nito.

Ilan sa sintomas ng Hepatitis A ay ang pagkakaroon ng lagnat, pakiramdam na naduduwal, pagod, masakit na tiyan at kasu-kasuan, pag-iiba sa dumi, kawalan ng gana sa pagkain, paninilaw ng mata at balat, at matinding kati sa katawan.

Pero nakukuha rin aniya ito sa pakikipagtalik at maaaring ikonsiderang sexually transmitted disease.

Aniya, maiiwasan ang karamdamang ito kapag regular na naghuhugas ng kamay at kung mag-iingat sa paghahain ng pagkain.

Kapag nakaranas ng sintomas ng Hepatitis A, nanawagan si Seludo na magpatingin sa doktor.