Sex during menstruation? Doktora may paalala | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sex during menstruation? Doktora may paalala
ABS-CBN News
Published May 08, 2018 01:16 AM PHT

Editor's Note: May mga tinatalakay na seksuwal at hindi pambatang paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.
"OK lang bang makipagtalik ang babaeng may 'dalaw'?"

Ilang beses na ring tinanong ang isang doktora ukol sa pakikipagtalik kapag panahon ng menstruation ng babae at aniya, wala namang masama rito basta nagkaroon ng komunikasyon ukol dito ang mag-asawa.

"Puwede ba daw mag-make love kung may menstrual cycle? Puwede. But sabi nila, 'ay messy.' Of course, it's messy. Pag-usapan niyo 'yang mag-asawa kung gusto niyo," sabi ni Dr. Lulu Marquez sa kaniyang programang "Private Nights" sa DZMM.

Kasabay nito, nagpaalala ang doktora na maaaring tumaas ang tsansang magkaroon ng impeksiyon ang mag-asawang nagtatalik habang panahon ng buwanang dalaw ni misis.

"Kung may menses ang babae tapos you made love, you have to be careful na mas prone ka sa infection. Baka magkaroon ka ng STD (sexually transmitted diseases), baka magkaroon ka ng HIV (human immunodeficiency virus), baka magkaroon ka ng syphilis," ani Marquez.

"'Yong ibang mag-asawa to protect each other... sabi ng husband 'ay doc, I would rather use condom na lang.'"

Dagdag pa ni Marquez, puwede pa ring mabuntis ang babaeng nakipagtalik nang may dalaw lalo na kung irregular ang menstruation niya.

Batay naman aniya sa ilang pag-aaral, lumalabas na may ilang babaeng mas natu-turn on sa pakikipagtalik kapag sila'y may dalaw.

"May research po that yes, some women are more aroused when they make love when they have menses," ani Marquez.
"May research po that yes, some women are more aroused when they make love when they have menses," ani Marquez.
ADVERTISEMENT
"Gusto niyo ba 'yong ginagawa niyo na nagme-make love kayo habang may menses? 'Yes, wala namang problem. Kasi I feel more aroused if I have menstruation while making love,'" kuwento ni Marquez ukol sa ibinahagi sa kaniya ng ilang babae.

"How do they do it, if they like it? Sabi nila, 'we go to the shower, doc.' Why not? 'Yong isang couple ang sabi naman sa 'kin, 'we have a dark-colored towel and we make love.'"

Hindi rin daw dapat ipagtaka ng babae kung tila "lumakas" ang kaniyang menstruation matapos makipagtalik.

"Kapag ang babae ay nagme-make love tapos umabot sa tinatawag na 'true orgasm,' nabanggit ko na 'yong matris ay nagko-contract, if you have true orgasm... 'yong true orgasm, kapag nagko-contract 'yong matris, may mens ha, nagko-contract, mas napipiga 'yong menstrual blood palabas. Mas nauubos siya," paliwanag ni Marquez.

"Having true orgasm can actually lessen the pain [of menstruation]."
"Having true orgasm can actually lessen the pain [of menstruation]."
ADVERTISEMENT
Nagpaalala naman si Marquez sa kababaihan na ugaliing magpatingin sa OB-GYN sakaling may nararamdamang matinding sakit o iba pang kakaibang pakiramdam sa tuwing panahon ng buwanang dalaw.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
DZMM
Private Nights
Dr. Lulu Marquez
sex
pagtatalik
menses
menstruation
monthly period
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT