'ASAP TLC': Angeline Quinto, umawit para sa mag-asawang magkakilala mula Grade 1 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'ASAP TLC': Angeline Quinto, umawit para sa mag-asawang magkakilala mula Grade 1

'ASAP TLC': Angeline Quinto, umawit para sa mag-asawang magkakilala mula Grade 1

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ilang beses mang tinanggihan, hindi sumuko si Sean Soriano sa panliligaw sa noo'y napupusuan na si Cathylin, na kalaunan ay ibinalik din ang nararamdam ng lalaki at ikinasal pa sa kaniya.

Ibinahagi nitong Linggo sa segment na "TLC" ng programang "ASAP" ang kuwentong pag-ibig nina Sean at Cathylin.

Halos buong pagkabata nina Sean at Cathylin ay magkakilala na sila pero hindi sila nagkaroon ng makabuhuluhang ugnayan hanggang sa umamin si Sean sa kaniyang nararamdaman kay Cathylin noong sila'y nasa ikatlong taon ng high school.

"Nagkakilala kami ni Sean noong Grade 1. 'Di naman kami nag-uusap," kuwento ni Cathylin. "Hanggang nung third year, may activity sa school na parang papa-ikot 'yong papel mo tapos ide-describe ka nila."

ADVERTISEMENT

"Nilagay ko doon, crush kita," ani Sean, na kasalukuyang naka-base sa New Zealand.

Kuwento ni Sean, limang beses niyang inalok si Cathylin na maging kasintahan pero sa bawat pagkakataon ay agaran ang pagtanggi ng babae sa kaniya.

Ikalawang beses na tinanong ni Sean kung sasagutin ba siya ni Cathylin ay noong mismong kaarawan niya.

"Tinanong niya ako. Siguro umaasa siya [na] birthday ko naman, siguro papayag na," ani Cathylin.

Sumunod na pagkakataon ay noong umano'y "high school night" ng dalawa. Nilapitan ni Sean si Cathylin, sinayaw, at inabutan pa ng CD pero tumanggi pa rin ang babae.

ADVERTISEMENT

"Bigla niya akong hinug. Edi hug na rin ako. Nagtanong siya pero sabi ko, 'ewan,'" ani Cathylin.

Pero unti-unting nahulog ang loob ni Cathylin sa pursigidong lalaki, lalo noong panahong kapuwa sila naging miyembro ng banda.

Nakamit ni Sean ang matamis na "oo" ni Cathylin noong nagtapos ng kolehiyo ang babae.

Anim na taong naging magkasintahan ang dalawa hanggang sa inalok ni Sean ng kasal si Cathylin noong Enero 2017.

Malaking panahon ng kanilang pagsasama ay long-distance relationship dahil nasa ibang bansa si Sean para sa trabaho.

ADVERTISEMENT

"Kailangan niya bumalik sa New Zealand kasi doon siya nagwo-work. Nag-continue rin naman 'yong long distance relationship namin," ani Cathylin.

Naging pagsubok sa relasyon ng dalawa ang paghahanda sa kasal nila dahil sa distansiyang naghihiwalay sa kanila.

"Na-overhwlem si (Cathylin)... and then hindi ko siya matulungan," ani Sean.

Umabot pa sa puntong muntik nang sumuko si Cathylin.

"Halos patong-patong na stress so parang huwag na," aniya.

ADVERTISEMENT

Pero dahil ayaw masayang ang pinagsamahan, agad lumipad pabalik ng bansa si Sean at tumulong sa paghahanda para sa pag-iisang dibdib nila ng babaeng matagal niyang hinintay.

Ikinasal sina Sean at Cathylin noong Enero at nakatakdang sumunod ang babae sa kaniyang mister sa New Zealand.

"Hinding-hindi magbabago pagmamahal ko sa'yo. See you soon sa New Zealand. Kaunti na lang, malapit na," sabi ni Sean sa mensahe sa misis.

Inalay ni Angeline Quinto ang kantang "Starting Over Again" ni Natalie Cole para sa dalawa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.