Self-defense tips kontra masasamang-loob | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Self-defense tips kontra masasamang-loob

Self-defense tips kontra masasamang-loob

ABS-CBN News

Clipboard

Kung may magtangkang magnakaw, manghipo o mambastos, mahalaga ang matuto ng basic self-defense techniques upang maprotektahan ang sarili. Narito ang ilang tips:

Kung may biglang humablot sa braso mo, sipain sa bandang singit ang naghila sa’yo. Ipihit ang siko sabay hila.

Kung may biglang yumakap sa’yo, targetin ang kanyang singit.

Kung may umakbay naman na hindi mo kakilala, hampasin ang singit.

ADVERTISEMENT

Maaari ring gawing self-defense weapon ang mga gamit na karaniwang nasa bulsa.

Kung naglalakad mag-isa, ipuwesto ang susi sa pagitan ng mga daliri. Kapag may biglang umatake sa’yo, gamitin itong pangdepensa sa sarili. Maaari ring gamitin ang ballpen.

Tandaan lang ang 'TIMS':

T- para sa tuhod
I- para sa ilong
M- para sa mata
S- para sa singit

Sa malakas na sipa sa tuhod, maaaring mapilay at panandaliang maparalisa ang iyong attacker.

ADVERTISEMENT

Gamitin ang palad para dunggulin o i-palm strike ang ilong ng iyong attacker.

Mabilis ka ring makakatakas kung pupuntiryahin ang mata ng iyong kalaban, o kaya naman ay i-target ang bahagi ng singit dahil isa ito sa pinakasensitibong parte ng katawan.

Payo rin ng eksperto, kung maaari ay magdala rin ng mga gamit pang-self defense gaya ng pepper spray.

Tandaan: ligtas ang may alam!

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.