Babae 'nakaakyat' sa Mt. Apo nang dalhin ang tarpaulin nito sa tuktok | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae 'nakaakyat' sa Mt. Apo nang dalhin ang tarpaulin nito sa tuktok

Babae 'nakaakyat' sa Mt. Apo nang dalhin ang tarpaulin nito sa tuktok

ABS-CBN News

Clipboard

Kuha ni Jhoan Lou Paloma
Kuha ni Jhoan Lou Paloma

DAVAO CITY — No hike, no problem.

Kinaaliwan sa social media ang mga litrato kung saan tila nakarating na rin sa tuktok ng Mount Apo ang isang babae sa tulong ng kaniyang mga kaibigan.

Sa ibinahaging mga litrato ni Jhoan Lou Paloma, makikita ang life-size tarpaulin ng kaniyang kaibigan sa summit ng Mount Apo. Suot nito ang complete gear na parang nakarating na rin ito sa tuktok ng pinakamataas na bundok sa Pilipinas.

Ayon kay Paloma na isang mountaineer mula Davao at anim na beses nang umakyat sa Mount Apo, nagpaalam na raw ang kaibigan na sasama siya sa kanila isang linggo bago ang hike.

ADVERTISEMENT

Ngunit hindi siya pinayagan ni Paloma dahil alam niyang hikain ang kaniyang kaibigan.

Kaya sa halip na personal na umakyat ng bundok, isinama na lang nito ang tarpaulin ng kaniyang kaibigan noong Abril 15.

Isa ang Mount Apo sa mga patok na destinasyon na akyatin lalo na tuwing summer.

May payo naman si Paloma sa mga nais mag-climb dito.

"Mountain climbing is a great way to push yourself, but it is important to look after yourself. Check the weather and be prepared. Be physically and mentally prepared. Breakfast before the trek. At yung tubig, dapat 'di ka maubusan," aniya.

— Ulat ni Hernel Tocmo

MULA SA ARCHIVE

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.