'Keto' palabok, ice cream, matitikman sa isang restoran sa QC | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Keto' palabok, ice cream, matitikman sa isang restoran sa QC

ABS-CBN News
Published Apr 25, 2018 04:22 PM PHT

Sa dami ng mga restorang nakatayo sa bawat sulok ng Quezon City, kaniya-kaniyang gimik ang mga may-ari para maging kakaiba at mabenta sa mata ng mga kostumer.

Pero para sa chef na si Waya Araos-Wijangco, personal ang pinaghugutan ng ideya ng kaniyang Gourmet Gypsy Art Café, na nag-aalok ng "global cuisine" o mga putaheng mula sa iba't ibang bansa at angkop sa diyetang ketogenic.

"Last year, I got into the ketogenic diet. A friend convinced me because her husband was diabetic," ani Wijangco sa programang "My Puhunan."

"'Yong tatay ko namatay from complications of diabetes. It was personal to me to get into it (keto diet). Parang, I don't want to die like that," dagdag ng chef.

Sa ilalim ng keto diet, binabawasan ang mga carbohydrates at maasukal na pagkain gaya ng kanin, tinapay at maging soft drinks.

Dahil sa kawalan ng glucose, sunod na pagkukuhanan ng katawan ng enerhiya ay ketones, na nagmumula sa mga tabang sinala ng atay. Sa ganitong paraan nakapagbabawas ng taba ang katawan.

Naisip naman ni Wijangco na maghanda ng mga pandaigdigang putahe dahil sa kaniyang mga paglalakbay.

"We bring food that I've learned from traveling. We bring ingredients home, we bring spices. Hindi siya fusion but we bring stuff that are authentic to the source," aniya.

Kabilang sa mga ipinagmamalaking putahe ng restoran ang roasted bone marrow na mabibili sa halagang P240, chicken shish taouk na P420, at keto palabok na nasa P495.

Tiyak namang "guilt-free" ang mga sumasailalim sa keto diet kapag tinikman ang mga ice cream sa ibinebenta sa kanilang restoran dahil sa kawalan nito ng asukal.

Pero bukod sa mga pagkaing pang-"keto," nasa puso rin ng restoran ni Wijangco ang advocacy niyang mabigyan ng trabaho ang adults with special needs.

Ayon kay Wijangco, 35 porsiyento ng kaniyang mga tauhan ay adults with special needs. Kalat ang mga ito bilang mga waiter, tao sa kusina, at administrative personnel o mga taong katuwang sa pamamahala.

Nais patunayan ng chef na posibleng mapakinabangan sa negosyong restoran ang mga adult with special needs, gaya ng may mga autism, down syndrome, at attention deficit hyperactivity disorder.

"Gusto ko kasi kunwari we're going to hire people with special needs, ayoko ng siopao-mami, gusto ko 'yong bongga. Because if they can work at this level, where can they not work?" aniya.

Bukod sa negosyong restoran, abala rin si Wijangco sa pagpapatakbo ng Open Hands School for Applied Arts, isang vocational school para sa mga bata at matatandang may special needs.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
My Puhunan
restoran
ketogenic diet
keto diet
adults with special needs
Waya Araos-Wijangco
Quezon City
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT