RECIPE: Tinumok | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Tinumok

RECIPE: Tinumok

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kung ang hanap ay putaheng malinamnam at pasok sa budget, maaaring subukan ang dish na "tinumok."

Ang tinumok ay isang putahe mula sa Bicol kung saan binabalot sa dahon ng gabi ang hipon at giniling na baboy, at niluluto ito sa gata.

Upang simulan ang paggawa sa naturang dish, ihanda ang mga sumusunod na sangkap:

• Dahon ng gabi
• Sili
• Kakang gata (unang piga)
• Gata (huling piga)
• Giniling na baboy
• Bagoong alamang
• Tinadtad na hipon
• Tanglad
• Breadcrumbs
• Itlog
• Sibuyas
• Bawang
• Luya
• Asin
• Paminta
• Mantika
• Tubig

Igisa ang bawang, sibuyas, at luya kasabay ng bagoong. Lagyan ng pangalawang piga na gata at hayaang kumulo nang bahagya.

ADVERTISEMENT

Paghaluin ang giniling na baboy at tinadtad na hipon, itlog, at breadcrumbs.

Timplahan ng asin at paminta, at ibalot ito sa dahon ng gabi.

Ilagay ang binalot sa pinapakuluang gata, kasama ang tanglad.

Dagdagan ng kaunting tubig at hayaang kumulo ulit sa loob ng 30 minuto.

Ilagay ang kakang gata at mga sili at hayaang kumulo ulit ng 30 minuto hanggang maluto.

Tiyaking naluto nang mabuti ang dahon ng gabi upang matanggal ang toxins na nagdudulot ng pangagati ng dila.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.