ALAMIN: Ano ang ADHD? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Ano ang ADHD?
ALAMIN: Ano ang ADHD?
ABS-CBN News
Published Apr 20, 2019 12:44 PM PHT

Hindi ba mapakali ang iyong anak o kadalasa'y may nakakalimutang kaibigan?

Maaari iyang sintomas ng Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD) o kondisyon kung saan may kakulangan sa brain structure, na nagdudulot ng labis na pagkabalisa o kawalan ng kakayahang mag-focus ng isang indibidwal.

Ayon sa pediatrician na si Francis Xavier Dimalanta, may tatlong klase ng ADHD na maaaring makita sa mga kabataan.

Una ay ang ADHD-inattentive type (ADHD-IA), kung saan madali umanong nadi-distract ang isang may ADHD.
Una ay ang ADHD-inattentive type (ADHD-IA), kung saan madali umanong nadi-distract ang isang may ADHD.
ADVERTISEMENT
Sumunod naman ang ADHD-hyperactive type (ADHD-HI) o tipo na labis na hindi mapakali ang indibidwal.

Mayroon ding ADHD combined type (ADHD-CT) kung saan nararanasan ng may ADHD ang sintomas ng ADHD-HI at ADHD-IA.

Dama ang mga sintomas mula sa pagkabata pero ayon kay Dimalanta, may mataas na tsansang dalhin ng bata ang sintomas paglaki nito.

"Pagkalaki niya, kahit ilang beses, nawawalan siya ng gamit, madaling ma-distract ng mga noises, galaw nang galaw, alam mo 'yung para kang kiti-kiti, salita ka nang salita, at hindi ka makasingit," ani Dimalanta.

Ayon din sa doktor, may kasama pang ibang karamdaman ang ADHD tulad ng oppositional defiant disorder o ang pagsalungat sa mga nakatatanda o authority figures, pagkakaroon ng conduct disorder, at pagkaramdam ng pagkabalisa o anxiety.

Maaring maapektuhan ng kondisyon ang grado ng bata sa klase, maging ang pakikisalamuha nito sa pamilya. Kaya hinikayat niyang tratuhin ang anak na may ADHD nang tulad ng normal na bata.

"Treat [the child] like any other child. Dapat alam ng bata na dapat andu'n ang pamilya para suportahan. Dapat pareho ang pag-respond sa kaniya para di siya malito. Things have to be in place," ani Dimalanta.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Good vibes
DZMM
ADHD
mental stigma
neurotransmitters
attention deficit hyperactivity disorder
Francis Xavier Dimalanta
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT