PANOORIN: Pinoy karinderya sa Switzerland, patok sa mga parokyano | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Pinoy karinderya sa Switzerland, patok sa mga parokyano

PANOORIN: Pinoy karinderya sa Switzerland, patok sa mga parokyano

Mye Mulingtapang | ABS-CBN Europe News Bureau

Clipboard

BRUGG - Katakamtakam na mga pagkaing Pinoy tulad ng lumpia, adobo, pancit, sisig, kare-kare at crispy pata, ‘yan ang ilang mga alok na pagkain ng karinderya style restaurant ni Oro Guevarra.

Pinoy nurse turned businessman si Guevara. Naniniwala kasi siyang panahon na para makilala ng mga Swiss ang pagkaing Pinoy kaya niya sinimulan ang kanyang restaurant kasama ng kanyang pamilya.

Sa Europe, mas kilala raw kasi ang Chinese, Japanese, Thai, Korean at Vietnamese cuisine kapag Asian food na ang pinag-uusapan.

Sa kanyang restaurant, mapapansin din agad ang exotic Pinoy interior, mula sa mesa, upuan, at light fixtures. Bagay na magbibigay sa sinumang Pilipino ng impresyong parang nasa Maynila ka lang.

ADVERTISEMENT

1

Ayon kay Guevarra, passion niya talaga ang pagluluto, bagay na nagpatibay sa kanya ng loob na pumasok sa pagnenegosyo. Binabalikan ang kanilang masasarap na pagkain hindi lang ng mga kababayan natin sa Switzerland kundi maging ng mga Swiss at ibang pang mga turista.

2

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Switzerland, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

PANOORIN ANG BUONG REPORT:

Watch more News on iWantTFC

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.