Para sa mga anak: Ama sa Laguna lumikha ng swimming pool gawa sa puno ng saging, trapal | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Para sa mga anak: Ama sa Laguna lumikha ng swimming pool gawa sa puno ng saging, trapal

Dyan Loquellano,
ABS-CBN News
Published Apr 13, 2020 05:47 PM PHT
|
Updated Apr 13, 2020 10:32 PM PHT

NAGCARLAN, Laguna — Isang tatay sa bayan na ito ang nakaisip ng paraan upang tuparin ang hiling ng 2 anak na makapag-swimming kahit pa umiiral ang enhanced community quarantine sa Luzon.

Dahil kasi sa lockdown, hindi na natuloy ang sana'y outing ng pamilya.

Kaya naisipan ni Francis Manila na gawan ng improvised swimming pool ang mga anak para masaya pa rin ang "bakasyon" kahit may lockdown.

"Naisip ko po na gumawa nitong banana pool para sa mga anak ko, kase gusto nila sana mag-swimming eh dahil lockdown, sabi ko dito na lang tayo sa bahay. Gawa nalang ako," aniya.

ADVERTISEMENT
Pinagpatong-patong niya ang mga puno ng saging para maging pader habang ginawang sahig ang mga dahon bago nilagyan ng trapal.

Nasa P180 lang umano ang gastos nilang mag-asawa sa viral na ngayong "banana pool."

"Lahat po ng magagawa ko para mapasaya ang mga bata gagawin ko."