Grade 12 student iginuhit ang mga kaklase bilang graduation gift | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Grade 12 student iginuhit ang mga kaklase bilang graduation gift

ABS-CBN News
Published Apr 07, 2019 06:53 PM PHT

Ilang araw bago ang graduation, sinorpresa ni Nelson "Ace" Quindara Jr. ang 39 niyang kaklase.

Idinikit ni Quindara sa kanilang blackboard ang ginawa niyang mga guhit ng mga mukha ng kaniyang mga kaklase.

Kaya naman sa araw ng pagtatapos ng Grade 12 students sa Basa Air Base National High School sa Floridablanca, Pampanga, itinaas ng mga estudyante ang mga likha ni Quindara nang umakyat siya sa entablado.

Ayon kay Quindara, gusto niyang maging espesyal ang regalo niya sa kaniyang mga kaibigan at kaklase lalo at magkakahiwalay na sila sa kolehiyo.

ADVERTISEMENT
"Naging memorable saka masaya 'yong senior high school life ko dahil sa mga kaklase ko," ani Quindara.

Gusto rin ni Quindara na ipaalala sa kaniyang mga kaklase na huwag sumuko sa pangarap, tulad niya na hindi raw magaling gumuhit noon.

"Sinabi ko po sa sarili ko na hindi ko iiwan 'yong talent na 'to at hayaan kong ma-develop 'yong skills po sa pagda-drawing," aniya.

Pero hindi lang magaling na artist at mabuting kaibigan si Quindara; isa rin siya sa mga nanguna sa academics. Dahil dito, ipinagmamalaki siya ng kaniyang mga magulang.

Pangarap ni Quindara na makapagtapos ng kursong engineering.

-- Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
graduation
rehiyon
Floridablanca
Pampanga
drawing
BMPM
Bayan Mo iPatrol Mo
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT