ALAMIN: Tips sa tamang pagliligpit sa bahay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Tips sa tamang pagliligpit sa bahay

ALAMIN: Tips sa tamang pagliligpit sa bahay

ABS-CBN News

Clipboard

Sa pagliligpit sa bahay, marami ang nahihirapan kung ano ang dapat itago o dapat itapon na mga gamit.

Ngunit ayon sa isang "minimalist" at financial expert, may mga paraan umano ng tamang pagliligpit sa bahay.

"Sa mga nagso-sort out, ito [ang] isang magandang tip, balikan nila lahat, ilabas nila lahat ng gamit nila, like sa aparador, ilabas lahat ng damit," sinabi ni Rienzie Biolena sa panayam sa programang "Sakto" sa DZMM.

Kapag napaghiwalay na ang mga gamit, alamin kung alin sa mga ito ang ginagamit pa o hindi na ginagamit.

ADVERTISEMENT

Maaaring magsagawa ng garage sale para maibenta ang mga hindi na ginagamit o ipamigay ang mga ito sa iba, ayon kay Biolena.

Para naman sa mga sirang gamit, dapat aniya ay itapon na ang mga ito.

Mainam din aniya ang regular na pagliligpit sa tirahan.

"Kasi makikita mo doon na may mga pumapasok na gamit na hindi mo nagagamit at may mga pumapasok na puwedeng hindi mo rin magamit, so puwede mong ipamigay 'yon sa relatives mo rin," sabi ni Biolena.

Kung nahihirapan namang magbawas ng gamit, maaari umanong gamitin ang "Konmari method."

ADVERTISEMENT

"Merong tinatawag na Konmari method, galing ng Japan, kung mag-sort out ka ng gamit mo, tignan mo kung nakakapagbigay-ligaya ba sa iyo 'yon," ani Biolena.

Paliwanag ni Biolena, may magandang epekto ang pagliligpit o pag-declutter sa tirahan.

"Habang ginagawa ko 'yon, parang feeling ko may nale-let go ako, parang therapeutic din sa akin, may internal cleansing, parang gumagaan ang pakiramdam," aniya.

Dapat din umanong pag-isipang mabuti bago bumili ng gamit.

"Isipin nila, kung hindi ko naman kailangan 'to, kung hindi ko magagamit 'to, sayang ang pera," sabi ni Biolena.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.