ALAMIN: 'Ligtas' tips para sa mga biyahero ngayong Semana Santa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: 'Ligtas' tips para sa mga biyahero ngayong Semana Santa

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 27, 2018 09:40 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tuwing Semana Santa, karaniwang dumadagsa ang mga biyahero sa mga bus terminal, pantalan, at paliparan.

Ito rin kasi ang panahon na maaari silang makapagbakasyon at umuwi sa mga lalawigan dahil walang pasok sa mga trabaho at eskuwelahan.

Nagbigay naman ng payo o tips ang programang "Red Alert" para matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng biyahe.

Una riyan, mainam na pumunta nang maaga sa mga bus terminal, pantalan, at paliparan para makaiwas sa siksikan.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kailangan ding maging alerto sa mga pampublikong lugar dahil kahit panahon ng pagninilay-nilay ay may ilang kawatan pa rin na mananamantala sa mga biyahero.

Mabuti na ring iwasan ang pagsuot ng mamahaling alahas at pagdala ng malalaking halaga ng pera na maaaring manakaw ng kawatan sa biyahe.

Hind rin maiaalis ang mga banta sa seguridad kaya kung may mapansing kahina-hinalang bagahe sa terminal ay agad itong ipagbigay alam sa awtoridad, gaya ng mga guwardiya at pulis.

-- Ulat nina Jeff Canoy at Toph Doncillo, ABS-CBN News


Napapanood ang “Red Alert” tuwing gabi ng Miyerkoles pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN.

Sundan din ang “Red Alert” sa Facebook at Twitter.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.