RECIPE: Mga juice, tsaa na pampalakas ng resistensiya | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
RECIPE: Mga juice, tsaa na pampalakas ng resistensiya

ABS-CBN News
Published Mar 12, 2020 12:42 PM PHT
|
Updated Mar 12, 2020 12:50 PM PHT

MAYNILA — Kasabay ng patuloy na pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa, mas lalong naging mahalaga ang pagpapalakas ng resistensiya upang hindi mahawa ng naturang sakit.

Nitong Huwebes sa "Umagang Kay Ganda," ibinahagi ni Harris Acero, isang lifestyle medicine coach, ang ilang masustansiyang juice at tsaa na maaaring makapagpalakas ng katawan.

Immuno-booster shake
• 1 tasang malunggay leaves
• 1 tasang talbos ng kamote
• 1 tasang dahon ng sili
• 1 tasang saluyot leaves
• 3 pirasong saba
• 2 tasang pineapple
• 1 litrong cold water
Immuno-booster shake
• 1 tasang malunggay leaves
• 1 tasang talbos ng kamote
• 1 tasang dahon ng sili
• 1 tasang saluyot leaves
• 3 pirasong saba
• 2 tasang pineapple
• 1 litrong cold water
Pagsama-samahin ang mga sangkap sa blender. Inumin bago kumain.

ADVERTISEMENT
"Ito ay para mas ma-absorb mo ang nutrients nito," paliwanag ni Acero.

Para mas magustuhan ng mga bata, maaari itong lagyan ng pineapple chunks, ayon kay Acero.

Maaari ring haluan ng malunggay at orange o banana ang shake para mas maging masustansiya ito.

"Mataas po kasi ito sa Vitamin C at iron. Kailangan po ng immune system natin iyan," ani Acero.

Garlic juice
• 10 butil bf native garlic (mashed)
• 10 kalamansi
• 1 kutsarang honey
• Tubig
Garlic juice
• 10 butil bf native garlic (mashed)
• 10 kalamansi
• 1 kutsarang honey
• Tubig
ADVERTISEMENT
Tanggalin ang butil ng kalamansi at paghaluin lahat ng sangkap.

Mga tsaa
Para gumawa ng guava tea - na masagana sa Vitamin C - maaaring gumamit ng pinakuluang young bayabas leaves. Dagdagan din ito ng honey para magkalasa.

"Mayroon siyang anti-microbial property. Nilalabanan niya iyong mga bacteria sa katawan natin," paliwanag niya.

Para sa salabat naman, gumamit ng durog na turmeric at ginger. Pakuluan ito sa tubig at dagdagan ng 2 kutsarang honey.

Para sa serpentina tea, magbabad ng 5 sariwang serpentina leaves sa 1 tasang mainit na tubig.

Read More:
Drinks to boost immune system
UKG
pampalakas-resistensiya
Umagang Kay Ganda
nutrition
drinks
Harris Acero
lifestyle
healthy living
salabat
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT