Pagpili ng kurso di dapat dinidikta ng magulang: eksperto | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagpili ng kurso di dapat dinidikta ng magulang: eksperto

ABS-CBN News
Published Mar 12, 2020 12:53 PM PHT
|
Updated Mar 12, 2020 01:05 PM PHT

MAYNILA — Problema minsan ng ilang anak ang nagiging papel ng magulang sa pagpili ng kurso nila sa kolehiyo, lalo na kung hindi ito nagtutugma sa kanilang nais tahakin na landas.

Pero hindi dapat dinidikta ng magulang ang pipiliing kurso ng anak, giit ng isang psychologist.

Sa programang "Sakto," ipinaliwanag ni Christabel Chao na mas ma-e-empower ang mga anak kapag sila ang pumili ng kanilang kurso.

"Hindi po tayo dapat ang mag-dictate. Okay po magbigay tayo ng gabay sa kurso. [It's] the first major decision in their young lives so dapat tulungan natin sila," ani Chao, na technical director din ng Philippine Psychological Corporation.

ADVERTISEMENT
Pero aniya, kaakibat din nito ang paggabay ng mga eksperto, sa pamamagitan ng mga career assessment programs.

"Case to case basis talaga iyong decision making eh. Iba 'yung circumstance natin. May opportunity to pursue courses in good universities while some settle with state universities kung ano ang kayang i-offer ng colleges sa lugar nila," ani Chao.

"So kailangan po maplano nang mabuti with our kids and the help of our professionals para pag pumili sila ng kurso, informed decision po, alam nila kung bakit iyon ang pinili nila," ani Chao.

Iginiit ni Chao na ang tanging papel lang ng magulang ay ang magbigay ng gabay sa anak.

"Hayaan natin ang bata na mag-decide given all this information, tayo po ang role natin is to encourage, support them sa abot ng ating makakaya bilang magulang," ani Chao.