Iwas-panis tips para sa pagkaing inihahanda sa tag-init | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Iwas-panis tips para sa pagkaing inihahanda sa tag-init

ABS-CBN News
Published Mar 12, 2018 09:52 PM PHT
|
Updated Jan 10, 2020 04:49 PM PHT

Painit nang painit ang panahon habang papalapit ang summer kaya marami na naman ang nagbabalak na magbakasyon sa mga beach o iba pang malalayong lugar.

Isa sa mga karaniwang problema tuwing tag-init ang mabilis na pagkasira ng pagkain, lalo kung hindi tama ang paghahanda o hindi wasto ang pagpapanatili rito matapos maluto.

Inilatag ng chef na si Sharwin Tee sa programang "Good Vibes" ng DZMM ang ilang paraan para hindi agad masira ang mga bagong handang pagkain.

Ayon kay Tee, isa sa mga nangungunang sanhi ng pagkasira ay kapag nakukulob ang pagkain.

ADVERTISEMENT
"Kadalasan nagluluto tayo ng pagkain, siyempre gusto nating mainit so tatakpan natin siya agad. Then 'pag dinala natin 'to, siyempre biyahe mo, isa [o] dalawang oras, doon siya nagsisimulang masira," paliwanag ni Tee.

Nabubuhay kasi umano ang mga mikrobyo sa katamtamang temperatura.

"Kapag kinulob mo siya, sakto iyong init na iyon para sa mikrobyo," ani Tee.

Payo ni Tee, kapag nagbaon ng ulam ay huwag na lang isara nang buo ang lalagyanan o butasan ang itaas nito para bahagyang sumingaw ang hangin.

Maaari lang umanong i-seal o takpan ang pagkain kapag lumamig na ito pero dapat ay ilagay agad sa refrigerator o di kaya'y sa ice box kapag bibiyahe.

"Kahit iyong styrofoam lang na nabibili sa market and then punuin lang ng ice, and then lagay ang containers doon," payo ni Tee.

Dapat din umanong iwasan ang pag-iwan ng mga ulam sa mesa ng bahay sa mahabang oras o sa mga lugar na direkta itong nasisikatan ng araw.

Mas mainam na itabi muna ang ulam sa refrigerator at initin na lang kung kakainin na.

"The moment na pinakulo mo siya, safe na siya ulit kainin kasi kung ano man iyong mikrobyong nabuhay doon, namamatay kapag [ininit] mo siya," paliwanag ni Tee.