Kailan nagiging delikado ang labis na pagdudumi? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kailan nagiging delikado ang labis na pagdudumi?

Kailan nagiging delikado ang labis na pagdudumi?

ABS-CBN News

Clipboard

Hanggang tatlong beses ang normal na bilang na pagdumi sa isang araw, ayon sa isang eksperto.

Ayon sa infectious disease specialist na si Dr. Endymion Tan, maituturing na delikado ang pagdudumi kapag lumagpas ito sa tatlong beses kada araw at kapag likido na ang inilalabas na dumi.

"If masyadong madalas, more than three times a day, puwedeng mag-lead to dehydration 'yan," sabi ni Tan sa panayam ng "Salamat Dok."

Dahil may mga pagkakataong ang diarrhea o labis na pagdumi ay nauuwi sa dehydration, mahalaga umano ang pag-inom ng maraming tubig at iba pang likido.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Tan, mainam ay huwag munang uminom ng gamot na nakapipigil sa pagdumi, tulad ng loperamide at antimotility, lalo kung ang sanhi ng diarrhea ay bakterya.

Hindi rin pinapayuhan ni Tan ang pag-inom ng gamot kontra pagdumi kapag nakararanas ng blood dysentery o pagdudumi na may kasamang dugo at lagnat.

"Para mailabas. Kasi 'yong pagtatae, [pagkakaroon] ng lagnat, response ng katawan natin sa mga infection," ani Tan.

Tinuturing na "acute" ang diarrhea kapag tumagal ang kondisyon ng dalawang linggo habang "chronic" naman kapag lumagpas ng dalawang linggo.

Pinag-iingat ni Tan ang mga tao sa pagkain ng mga mayaman sa protina at madaling masira.

ADVERTISEMENT

"We just have to be very careful lang. Tulad ng mga highly proteinaceous na food... mga egg na 'di masyadong naluluto ng maayos o nahuhugasan bago i-boil," aniya.

"Tapos iyong mga cabronara, mga pasta, mga [may] sauce, ma-sarsa na pagkain, madaling mapanis ang mga iyan," dagdag ng doktor.

Mas mabuti umanong kainin agad ang pagkain matapos maluto para hindi na napapanis. -- May ulat ni Jing Castañeda, ABS-CBN News

Read More:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.