Libreng screening para matukoy kung may HPV alok sa health centers | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Libreng screening para matukoy kung may HPV alok sa health centers

ABS-CBN News
Published Mar 08, 2020 02:47 PM PHT

Kasabay ng pagdiriwang ng Women’s Month, hinimok ng isang opisyal mula sa Department of Health (DOH) ang mga babae na magtungo sa mga health center para mapakinabangan ang libreng test para matukoy kung may human papillomavirus (HPV), na maaaring magdulot ng cervical cancer.

Ang HPV ay isang virus na nagdudulot ng impeksiyon at nakukuha sa pamamagitan ng skin-to-skin contact, na karaniwan ay sa pakikipagtalik.

Umaabot sa 12 babae ang namamatay kada araw dahil sa cervical cancer kaya mainam na malaman kung may HPV ang isang babae, sabi ni Dr. Laila Celino, head ng health promotion ng DOH, sa programang “Salamat Dok.”

Puwede raw magtungo ang mga babae sa Metro Manila sa mga health center para sa libreng visual inspection with acetic acid (VIA) na makatutukoy kung may HPV ba ang isang babae.

“Ang kailangan lang nilang gawin ay magpunta sa health center [at] tanungin kung kailan ‘yong schedule ng VIA para magawa iyong serbisyo,” ani Celino.

Pero nilinaw din ng doktora na hindi porke may HPV ang isang babae ay nangangahulugang siya ay magkakaroon na ng kanser sa cervix.

Bukod sa libreng tests sa mga health center, nagbibigay din umano ang mga paaralan ng libreng bakuna kontra HPV sa mga bata.

“This is a school-based immunization. Ang target po is 9 to 13 years old,” ani Celino.

Ayon kay Celino, puwede pa rin namang magpabakuna kontra HPV ang mga babaeng nagkaroon na ng sexual activity.

“Kaya lang bumababa o ‘yong benepisyon [ng bakuna], hindi mo mama-maximize,” paliwanag niya.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
kalusugan
Women's Month
cervical cancer
human papillomavirus
Department of Health
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT