'Prutas, gulay na hinaluan ng tsokolate, may benepisyo sa kalusugan' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Prutas, gulay na hinaluan ng tsokolate, may benepisyo sa kalusugan'

ABS-CBN News
Published Feb 24, 2019 01:46 PM PHT

May mga pagkakataong hirap ang mga magulang na pakainin ang kanilang mga anak ng mga prutas at gulay.

Sa mga ganoong pagkakataon, ipinayo ng isang chef na subukang samahan ng tsokolate at kendi ang mga gulay at prutas upang mas maging kaaya-aya sa mga bata.

“Maraming mga bata na hindi kumakain talaga ng prutas at gulay eh. So sa panahon ngayon, marami nang twist, so nare-reconstruct ang pagkain,” sabi sa “Salamat Dok” ni Chef Joy Escobar Ocampo.

Bukod kasi sa sustansiyang maaaring makuha sa prutas at gulay, may mga naidudulot ding benepisyo sa kalusugan ang tsokolate, lalo ang dark chocolate, ani Ocampo.

Isa raw dito ang antioxidant na nakatutulong sa pagbaba ng blood pressure, at nakabubuti sa utak at sa balat.

Ilan sa mga ipinakita sa “Salamat Dok” ni Ocampo ang dried mangoes, saging, broccoli, at carrots na ibinidad sa tsokolate at nilagyan ng sprinkles o mani.

Ibinida rin ni Ocampo ang cupcakes na nilagyan ng malunggay powder, at tomato cherry na mistulang truffles matapos ibabad sa tsokolate.

Pero nagpaalala rin si Ocampo na “hinay-hinay” lang sa pagkain ng tsokolate.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Salamat Dok
kalusugan
tsokolate
panghimagas
prutas
gulay
antioxidant
dark chocolates
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT