ALAMIN: Mga sanhi ng pangangati at pagkakaroon ng 'amoy' ng ari | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga sanhi ng pangangati at pagkakaroon ng 'amoy' ng ari

ALAMIN: Mga sanhi ng pangangati at pagkakaroon ng 'amoy' ng ari

ABS-CBN News

Clipboard

Editor's Note: May mga tinatalakay na seksuwal at hindi pambatang paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.

Ipinaliwanag ni Dr. Lulu Marquez sa kaniyang programang "Private Nights" sa DZMM ang ilang sanhi ng pangangati at pagkakaroon ng di magandang amoy ng ari ng babae.

Kabilang sa mga maaaring magdulot ng mga naturang kondisyon ay ang klase ng kinakain ng babae.

Puwede ring sanhi ang semilya mula sa pakikipagtalik sa mister.

Paliwanag naman agad ni Marquez, hindi iyon dahil sa marumi o mabaho ang semilya.

ADVERTISEMENT

Ang semilya o seminal fluid, aniya, ay alkaline na nagkakaroon ng reaksiyon sa pagiging acidic naman ng ari ng babae.

"The vagina, because of the secretions it produce, siya po ay acidic... kung ang environment niyan ay [malagyan ng] alkaline, then mag-start po 'yong tinatawag na mangangamoy."

Nakaaapekto rin sa amoy ng ari ang iniinom at kinakain.

"Certain drinks like alcohol, certain food like broccoli, sobrang kain ng onions, garlic, curry, or asparagus, red beets, coffee can affect the smell of your vagina," ani Marquez.

"Avoid [also] refined carbohydrates, huwag masyadong kumain ng kanin, mga donut. Avoid white rice, white bread."

ADVERTISEMENT

Ayon kay Marquez, isa kasi sa mga maaaring magdulot ng pangangati at pangangamoy ng ari ay ang yeast infection at mas lalong nabubuhay ang yeast sa carbohydrates at sugar, kaya mainam ding umiwas sa matatamis na pagkain at inumin.

"Three out of four women will develop a yeast infection [candidiasis] at some point in their life... puwedeng mangyari kahit buntis ka," sabi ng doktor. "Sexual intercourse can give you yeast infection."

Isa pang dahilan ng pagkati at pagkakaroon ng amoy ng ari ay chemical irritants tulad ng paggamit ng feminine wash na maaaring masyadong matapang.

"Minsan ang ginagamit mong vaginal wash ay hindi akma sa pH ng vagina mo."

Pinayuhan din ni Marquez ang mga babae laban sa paggamit ng suka, toothpaste, at maging dahon ng bayabas para kontrahin ang pangangati o pangangamoy dahil baka mas lalo pang magpatindi ito sa kondisyon ng ari.

ADVERTISEMENT

Maaari ring sanhi ng iritasyon sa ari ang bacterial infection o kaya'y sexually transmitted infection gaya ng genital warts o kulugo, herpes, at gonorrhea o tulo.

Sabi ni Marquez, sadyang may partikular na amoy ang ari ng babae, pero hindi ito dapat tila amoy isda o malansa.

Salik din ang menopause sa pangangati at pagkakaroon ng amoy ng ari.

"Bumabang estrogen production [during menopause] can cause that, dahil 'yong vaginal wall ng babae ay numinipis na and natutuyo," ani Marquez.

Ipinaliwanag din ng doktor ang kondisyong lichen sclerosus na puwede ring magdulot ng iritasyon.

ADVERTISEMENT

"The skin around the vulva, parang may namumuti-muti tapos sobrang puti, parang feeling mo nagkakabalakubak... it can actually leave a permanent scar over the vaginal area. Post-menopausal women are most likely to develop the condition," ani Marquez.

PANGANGALAGA SA ARI

Inirekomenda ni Marquez sa mga babaeng magpatingin sa espesyalista o sa kanilang ob-gyn kapag bumilang na ng tatlong araw at mahigit ang pangangati at pangangamoy para masuri kung ano'ng partikular na nagdudulot nito.

Mainam din aniyang ugaliing hugasan ang ari. Ayos na rin lang aniya kahit tubig lang ang gamitin.

Kung gagamit din ng sabon, dapat hindi 'yong napakabango dahil baka lalong mangati ang ari. OK din lang din gumamit ng mga feminine wash.

"So dapat yung panghugas mo, yung vaginal wash... may pH po 'yan, dapat akmang-akma sa acidity ng iyong vagina."

ADVERTISEMENT

Makatutulong din sa hygiene kung aalisin ang pubic hair, magsusuot ng underwear na cotton ang tela at huwag munang gumamit ng masyadong masikip na pantalon.

Para rin hindi maisalin ang anumang bacteria matapos dumumi, dapat ugaliin ng babaeng maghugas o magpunas mula sa vagina papunta sa puwitan, at hindi pabaligtas.

Ipinayo rin ng doctor ang pag-inom ng probiotics at pagbabago ng diet para mas maraming tubig, gulay, at prutas ang mainom at makain araw-araw.

Hindi rin aniya dapat binabalewala ang anumang pangangati o pangangamoy sa ari dahil kung maaga itong masusuri ng espesyalista, maaga rin itong matutugunan para guminahawa ang pakiramdam.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.