Egg cells na binuo sa laboratoryo, nakikitang sagot sa pagkabaog | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Egg cells na binuo sa laboratoryo, nakikitang sagot sa pagkabaog

Egg cells na binuo sa laboratoryo, nakikitang sagot sa pagkabaog

ABS-CBN News

Clipboard

Ipinapakita ang serye ng mga imahe ng paglaki ng egg cells sa laboratoryo Photo by Prof. Evelyn Telfer and Dr. Marie McLaughlin, University of Edinburgh

Nakikitang sagot sa pagkabaog ang kamakaila'y tagumpay na pagbuo ng human eggs o egg cell sa isang laboratoryo kasunod ng pagtutulungan ng mga siyentipiko mula sa United Kingdom at sa Amerika.

Nailimbag sa medical journal na Molecular Human Reproduction noong Pebrero 9 ang unang beses na nabuo ang egg cell sa labas ng katawan ng tao.

Bago ang eksperimentong ito, nagtagumpay ang mga siyentipiko na bumuo ng egg cell ng daga. Kalauna'y nagamit ang mga naturang egg cell para magkaroon ng bubuwit na binuhay sa pamamagitan ng siyensiya.

"Being able to fully develop human eggs in the lab could widen the scope of available fertility treatments. We are now working on optimising the conditions that support egg development in this way and studying how healthy they are," ani Evelyn Telfer, isa sa mga nanguna sa pag-aaral.

ADVERTISEMENT

(Maaaring sa hinaharap ay maging opsiyon ang human eggs na binuo sa laboratoryo para sa mga pasyenteng problema ang pagkabaog.)

Magnified o pinalaking kuha sa matured human egg na maaari nang ma-fertilize Photo by Doctor David Albertini, University of Edinburgh

Isinagawa ng mga siyentipiko mula sa ospital sa Edinburgh at Center for Human Reproduction sa New York ang naturang pag-aaral.

Ayon naman sa mga ekspertong hindi bahagi nitong pag-aaral, marami pang kailangang gawin bago ligtas na maisagawa ang pag-fertilize ng sperm cell sa egg cell na binuo sa laboratoryo.

Kailangan muna kasing tiyaking magiging normal pa rin ang sanggol na magmumula sa egg cell na nabuo sa laboratoryo.

Ayon naman sa isang genetics professor sa United Kingdom, sakaling maging matagumpay sa hinaharap ang pagbuo ng embryo o sanggol mula sa laboratory egg cells, puwede iyong tumugon sa mga pasyenteng may cancer at sumasailalim sa chemotherapy, pero nais pa ring magkaanak.

Mainam din ito para sa iba pang gustong magkaroon ng anak, pero hindi ito magawa sa natural na paraan.

-- Isinalin mula sa ulat ni Kate Kelland, Reuters

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.