ALAMIN: Ano ang arrhythmia? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Ano ang arrhythmia?

ALAMIN: Ano ang arrhythmia?

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA — Ang arrhythmia ay isang kundisyon kung saan nakakaranas ng hindi regular na pagtibok ng puso ang isang tao.

Ayon kay Dr. Edmund Ang, isang cardiologist, maaaring maging mabilis o mabagal ang tibok ng puso ng isang taong nakakaranas ng arrhythmia.

"It's either mabilis 'yung kabog o malakas 'yung kabog. Sa iba, parang may nagsi-skip, parang tumatalon talon lang siya," aniya.

Bagama't hindi naman nakamamatay ang pagkakaroon ng arrhythmia, nagiging mapanganib ito kung nakakaranas na ng pagkahilo o pananakit ng dibdib ang mga pasyente.

ADVERTISEMENT

"May nararamdamn na discomfort, pero hindi naman life threatening. Pwede silang mabuhay ng normal," ani Ang.

"'Yung ibang tao medyo may pagkahilo, dumidilim 'yung paningin minsan, may ibang may konting chest pain. 'Yung ibang may arrhythmia, walang nararamdaman," dagdag pa niya.

Paliwanag pa ni Ang, hindi lamang mga matatanda ang nakakaranas ng arrhythmia: "Hindi siya sakit ng matatanda. May mga arrhythmia na mas common sa mga may edad, pero hindi kailangan na may edad para magkaroon ng ganung arrhythmia."

May mga gamot na maaaring inumin ang isang pasyente para mapabagal ang tibok ng puso.

"May mga gamot na pampabagal. Kung masyadong mabilis 'yung heartbeat o irregular, minsan may gamot na ibinibigay," ani Ang.

ADVERTISEMENT

Kapag mabagal naman ang tibok ng puso, kinakailangang gumamit ng pacemaker ang isang pasyente.

" 'Pag mabagal 'yung heartbeat mo, unfortunately walang gamot na pampabilis. Ito 'yung binibigyan natin ngayon ng pacemaker," ani Ang.

"Ang pacemaker ay isang maliit na device na nilalagay sa balikat. May wire na ipinapasok sa sa puso. Ang pacemaker, binabantayan niya 'yung heartbeat. Kapag walang heartbeat, naglalabas siya ng kuryente," dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.