Kailan masasabing delikado ang nunal? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kailan masasabing delikado ang nunal?

Kailan masasabing delikado ang nunal?

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Itinuturing ng iba bilang "beauty spot" o kaakit-akit na bahagi ng mukha ng isang tao ang nunal.

Pero may ilang mga katangian ang nunal na maaaring nagpapahiwatig na ito ay cancerous o maaaring magdulot ng kanser, ayon sa isang dermatologist.

Sa programang "Good Vibes" ng DZMM, idinetalye ni Dr. Maria Jasmin Jamora ang ilan sa mga katangian ng nunal na dapat bigyan-pansin dahil baka raw kailangan nang ipatingin ang nunal sa doktor.

ASYMMETRY

Ayon kay Jamora, ang "asymmetry" ay tumutukoy sa pagiging pantay ng nunal.

ADVERTISEMENT

"So kunwari mayroon kayong nunal, tingnan niyo sa mirror o tingnan niyo lang, kung bilog siya, dapat paghiwa niyo left and right, in your mind, dapat pantay siya," ani Jamora.

"Ngayon kung hindi na siya pantay, left and right, 'di na magkamukha, 'di na siya mirror image, iyon delikado," aniya.

BORDER

Ang magandang nunal ay "dapat talagang bilog na bilog," ani Jamora.

Delikado raw kapag may bahagi ng nunal na lumagpas sa pagkahugis-bilog.

"Kung dinrawing o in-outline mo siya tapos hindi siya perfectly bilog o parang may paa o nagiging blurred 'yong border, delikado po iyon," anang doktor.

ADVERTISEMENT

COLOR

Wala raw dapat ipangamba ang tao sakaling may isa o dalawang kulay ang kaniyang nunal, na kadalasan ay light brown o dark brown.

Pero dapat ipatingin na ito sa doktor kapag naging tatlo o higit pa ang kulay.

"Kung dumami pa ho sa tatlo, delikado po," ani Jamora.

Isa raw sa mga delikadong kulay ng nunal ay puti.

DIAMETER

Nasa anim na milimetro o sinlaki ng pambura sa dulo ng lapis ang karaniwang diyametro ng nunal, ayon kay Jamora.

ADVERTISEMENT

"So kung lumampas sa laki na six millimeters 'yong nunal ninyo, 'yon ang medyo delikado," ani Jamora.

Kapag mas maliit naman daw sa anim na milimetro, kadalasan daw ay benign ito o walang peligrong dala sa kalusugan.

ELEVATION AT EVOLUTION

Ang elevation, paliwanag ng doktora, ay tumutukoy sa pag-angat ng nunal.

"Kung iyong nunal mo dati is flat at biglang umumbok, delikado po iyon," ani Jamora.

Samantala, ang evolution naman daw ay tumutukoy sa biglang pangangati, pamumula, pananakit, pagdurugo at pagsusugat ng nunal. Sakali raw maranasan ang alin man sa mga nabananggit ay dapat nang ipatingin ang nunal sa doktor.

ADVERTISEMENT

Ipinapayo ni Jamora na kada buwan ay suriin ang katawan para sa mga bagong nunal o kung may iba pang pagbabago na maaaring pahiwatig ng lagay ng kalusugan.

"Once a month, sa isang buwan, itse-check niyo po 'yong katawan niyo habang naliligo kayo. Tingnan ninyo [kung] mayroon bang bagong nunal na lumabas o mayroon bang tumutubo na something," aniya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.