‘Pagtiris ng tigyawat maaaring magdulot ng impeksiyon, pamamaga ng mukha’ | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
‘Pagtiris ng tigyawat maaaring magdulot ng impeksiyon, pamamaga ng mukha’

ABS-CBN News
Published Feb 10, 2020 03:22 PM PHT
|
Updated Feb 10, 2020 05:12 PM PHT

Hindi dapat tirisin ang tigyawat dahil maaari itong mauwi sa impeksiyon at iba pang mapanganib na kondisyon sa balat, ayon sa isang eksperto.

Posible kasi hindi mapalabas nang maayos ang nana sa loob ng tigyawat na puwedeng magdulot ng iba pang problema, sabi sa “Salamat Dok” ng dermatologist na si Stephanie Chua.

“Kapag may malalaking pimple, huwag na huwag pong gagalawin kasi baka hindi niya maipalabas nang maayos, pumasok sa loob at magkaroon ng infection sa skin,” aniya.

Kapag nagkaroon ng tigyawat, ipinayo ni Chua na magpatingin na lang sa dermatologist, na maaaring magreseta ng gamot.

“Puwede kasing gamot muna at hindi agad pagtiris ‘yong treatment,” sabi ng doktora.

Mayroon din daw tamang “technique” o paraan ng pagtitiris ng tigyawat at pinipili lamang ng mga dermatologist ang mga tigyawat na iniipit.

Inihalimbawa ni Chua ang isang pasyente na nagkapigsa at namaga ang buong mukha matapos magkamali sa pagtiris.

Puwede rin daw mauwi sa pagkabulag kapag umabot sa may bahagi ng mata ang impeksiyon dulot ng maling pagtitiris ng tigyawat.