ALAMIN: Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng kurso, college | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng kurso, college

ABS-CBN News
Published Feb 06, 2020 12:43 PM PHT
|
Updated Feb 06, 2020 12:50 PM PHT

MAYNILA - Tuwing unang bahagi ng taon kadalasang lumalabas ang mga resulta ng iba't ibang entrance exams ng mga anak para sa kolehiyo.

Pero sa pagpasok ng mga resulta, ano-ano nga ba ang dapat isaalang-alang ng pamilya sa pagpili ng kurso.

Para sa guidance counselor na si Daryl Correa, dapat munang isaalang-alang ng mga magulang at ng kanilang mga anak ang kalidad ng kursong kukunin.

"Mahirap kasi 'pag pumasok ka sa isang university or college na dahil wala doon 'yong course na gusto mong kunin sa second or third option ka na lang na hindi mo naman gusto kong kunin," ani Correa sa programang "Sakto" ng DZMM.

"Bago piliin ang suited ang college so kailangan munang i-consider kung 'ano ba ang gusto kong kunin?'"

Pagkatapos nito, ayon kay Correa, dito na maaaring piliin kung saang kolehiyo papasok ang anak.

Dito na rin maaaring paghandaan ang budget sa pagpapaaral.

"Ito ba ay type ng private university or college, or ito ba ay isang government or state universities," ani Correa.

"Sa ganoong paraan malalaman ng estudyante at ng magulang kung ano yung capacity nila to pay for the tuition fees, at kung hindi naman kaya pwedeng maging option yung mga state university kasi mayroon na tayong free tertiary education," dagdag niya.

Alinsunod ang libreng matrikula para sa mga state university sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act, kung saan saklaw ang ilang prestihiyosong unibersidad gaya ng University of the Philippines.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Sakto
college
courses
college courses
state universities
parenting
course choices
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT