Paano protektahan ang bata mula sa pang-aabusong seksuwal? | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paano protektahan ang bata mula sa pang-aabusong seksuwal?

Paano protektahan ang bata mula sa pang-aabusong seksuwal?

ABS-CBN News

Clipboard

Editor's Note: May mga tinatalakay na seksuwal at hindi pambatang paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.

Kamakailan, sinentensiyahan ng hanggang 175 taon na pagkakakulong ang American gymnastics doctor na si Larry Nassar matapos ang testimonya ng ilang babaeng inireklamo ang seksuwal na pang-aabuso ng doktor.

Base sa reklamo ng ilang biktima, ginamit ni Nassar ang kaniyang pagiging doktor para palabasing isang uri ng panggagamot ang pangmomolestiya niya sa mga batang babae.

Dagdag pa ng ilang biktima, nagtiwala sila sa doktor dahil maraming nakatatanda ang nagtitiwala at rumerespeto kay Nassar.

Sa programang "Private Nights" sa DZMM, tinalakay ni Dr. Lulu Marquez kung paano puwedeng protektahan ang mga bata mula sa pang-aabusong seksuwal.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Marquez, base sa pag-aaral, mas madalas na kakilala ng biktima ang salarin sa pang-aabuso.

"Keep in mind that most children are abused by someone they know and trust," ani Marquez.

(Kilala at pinagkakatiwalaan ng bata ang kadalasang salarin sa pang-aabuso.)

May dalawang uri din ng seksuwal na pang-aabuso sa bata, ayon sa doktor.

"Contact abuse involves touching activities... abuser makes physical contact with the child, including penetration," paliwanag ni Marquez. "Non-contact abuse involves non-touching activities tulad ng persuading children to perform sexual acts over the internet, encouraging the child to watch or hear ng sexual acts."

ADVERTISEMENT

Dagdag ni Marquez, kadalasang hindi nagsusumbong ang batang inaabuso dahil sa takot o pagbabanta ng nang-aabuso sa kaniya.

Dahil din musmos pa ang pag-iisip, maaaring natatakot ang bata na hindi siya paniwalaan kapag nagsumbong o kaya nama'y nahihiya sa kahihinatnan ng pagsusumbong.

"If the abuser is someone the child or the family cares about, the child may worry about getting that person in trouble," ani Marquez. "Children often believe that the sexual abuse was their own fault."

(Inaalala minsan ng mga bata sa mangyayari sa nang-aabuso sa kanila. Iniisip din ng mga bata na kasalanan nila ang pang-aabusong seksuwal.)

Kaya naman dapat aniyang tutukan ng mga magulang o guardians kung may mapansing pagbabago sa pag-uugali ng bata.

ADVERTISEMENT

"Mayroon pong signs, mayroong behavioral changes, 'yon pala inabuso, at akala mo lang 'part ng paglaki ng anak ko,' kaya naging tahimik."

Ilang senyales na maaaring ipakita ng batang inabuso ay ang pagkakaroon nito ng madalas na masamang panaginip, biglang nagagalit, at nagpapakita ng kaalamang seksuwal na hindi akma sa kaniyang edad.

Sintomas din ng pang-aabuso kapag biglang naging mapag-isa ang batang dati-rati'y mahilig makihalubilo, nagkaroon ng depresyon at anxiety, o kaya'y natatakot magpaiwan kasama ang isang partikular na indibidwal.

Sabi ni Marquez, maaaring ang naturang indibidwal ang umaabuso sa bata kaya natatakot ang biktimang magpaiwan basta-basta.

Maghinala rin kung mapansing may impeksiyon sa ari ang bata o kung siya'y nahihirapang umihi o dumumi.

ADVERTISEMENT

Ayon sa doktor, mahalagang turuan ang bata ng "body-safety skills" bilang pangontra sa mga mapanamantala.

"Body safety skills, the difference between ok and not ok," paliwanag ni Marquez. "'Ok, puwedeng hawakan dito' and 'not ok' na 'di ka puwedeng hawakan sa parteng ito.'"

"Let the children know that they have the right to make decisions about their bodies. Empower them to say 'no' when they do not want it. Encourage them to say 'no' when they don't want to be touched."

(Dapat turuan ang mga bata sa mga parte ng kanilang katawan na hindi dapat hinahawakan ninuman.)

Nakasalalay din sa mga magulang at guardians ang paggabay at pagbabantay sa mga bata para matiyak ang kanilang seguridad.

ADVERTISEMENT

"Don't ever leave your child alone with adults na di mo kilala," ani Marquez.

Kapag naman nagsumbong ang bata ukol sa pang-aabusong seksuwal, dapat maging kalmado ang nakatatanda sa pagtrato sa bata at huwag sisihin ang bata sa nangyari.

Dapat ding dumulog agad sa awtoridad para masampahan ng reklamo ang nang-abuso sa bata.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.