ALAMIN: Peligro ng pagpapalagay ng bulitas sa ari | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Peligro ng pagpapalagay ng bulitas sa ari

ABS-CBN News

Clipboard

Editor's Note: May mga tinatalakay na seksuwal at hindi pambatang paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.

Nagpayo ang isang doktor laban sa pagpapalagay ng bulitas sa ari ng lalaki.

Tinalakay ni Dr. Lulu Marquez sa kaniyang programang "Private Nights" sa DZMM kung ano ang bulitas at ang maaaring maging epekto nito sa kalusugan ng lalaking nagpalagay sa ari.

Ang bulitas, "artificial penile nodules," o implant sa ari ay kadalasang maliit na bolang puwedeng yari sa plastic, metal, kahoy, o espesyal na klase ng bato at glass.

"It's surgically implanted underneath the penile skin para mag-create sila ng bumpy or nodule-infested penis."

ADVERTISEMENT

Ayon kay Marquez, walang doktor ang puwedeng magkabit nito nang legal sa isang lalaki.

Ipinaliwanag ni Marquez, na base sa pag-aaral ng psychiatrist-psychologist na si Dr. Randy Dellosa, may iba't ibang dahilan kung bakit nagpapalagay ng bulitas ang isang lalaki.

"Pinoy men feel insecure, insecure sila about the length or the girth," banggit ni Marquez sa pag-aaral ni Dellosa. "Surrounding the penis with many bulitas can fatten, patatabain daw niya 'yong penis."

May mga nagpapalagay rin daw ng bulitas dahil nauudyokan ng kanilang mga kaibigan.

"Having bulitas daw builds a sense of pakikisama with other Pinoy men who have nodule-filled penis," ani Marquez.

ADVERTISEMENT

Base rin sa pag-aaral, kadalasang seamen ang nagpapakabit ng bulitas dahil popular daw ito sa mga katalik nila.

"Some men complain of sexual fatigue since they claim that their sexual partners want to have sex with them nonstop all the time," sabi ni Marquez.

Pero kung pagbabasehan daw ang kuwento ng mga misis na nagpa-counsel kay Dellosa dahil sa kanilang mister na may bulitas, marami ang hindi natutuwa sa ipinalagay na implant sa ari ng kanilang asawa.

"Si misis ang nagko-complain na 'yong asawa niya ay may bulitas, di niya malaman kung bakit nagpakabit ang asawa niya [ng bulitas]," paliwanag ni Marquez.

"Hindi niya kino-complain kung ano'ng size, kundi 'mayroong nakaumbok doon at ako'y nasasaktan.' 'Yon ang sumbong niya kay Dr. Randy Dellosa. 'Masakit kapag nagtatalik kami.'"

ADVERTISEMENT

May ilang misis din daw na nagdududang nagpakabit ng bulitas ang mister para mas mabigyan silang kaligayahan sa pakikipagtalik.

"Wives are actually angry... kasi ina-associate nila ang pagkakabit ng bulitas ng asawa nila to infidelity and promiscuity," ani Marquez.

Paliwanag ng doktor, maaaring magkaroon ng impeksiyon sa ari ang lalaking nagpalagay ng bulitas at puwedeng makasakit din ng kaniyang partner.

"Number one: Tetanus--ikakamatay mo 'yan, tumigil ka. Kung mayroon ka niyan [bulitas], ipatanggal mo na," payo ni Marquez.

"Anything you put in there, remember it's a foreign body, kaya puwedeng ma-infection. Kapag na-infection po 'yan, ay problema po," dagdag ni Marquez. "Many women hate their husbands' bulitas kasi daw it causes painful sex... vaginal wounds... bleeding."

ADVERTISEMENT

Mainam daw na ipaalis ang bulitas sa ari kahit pa matagal na itong naikabit.

Puwede kasing sumakit din ang ari ng lalaking may bulitas habang nakikipagtalik.

May iba ring sinisisi ang kanilang bulitas sa pagiging baog kalaunan o kaya'y pagkakaroon ng cancer.

"According to the study of Randy Dellosa, sabi niya, some men experience penile pain which can worsen when the penis elongates during an erection... If it's erect, ang tendency is mas naiipit siya [penis] and then puwedeng mag-cause ng pain sa'yo, magkaroon ng gasgas sa loob mismo [ng ari]," sabi ni Marquez.

"... For men with bulitas who develop erectile dysfunction, or develop sterility, or nagka-cancer, they blame it on their bulitas."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.