Paano maibabalik ang pagtatalik sa buhay mag-asawa? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paano maibabalik ang pagtatalik sa buhay mag-asawa?

Paano maibabalik ang pagtatalik sa buhay mag-asawa?

ABS-CBN News

Clipboard

Editor's Note: May mga tinatalakay na seksuwal at hindi pambatang paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.

Mas dumarami na ang mga mag-asawang hindi na nagtatalik, ayon sa ilang pag-aaral.

Tinalakay ni Dr. Lulu Marquez sa kaniyang programang "Private Nights" sa DZMM ang tinaguriang "sex-less marriage."

"Walang sexual intimacy between the partners, pero mag-asawa sila. Nangyayari 'yon," paliwanag ng doktor. "Sa ibang couples, ang feeling nila, 'roommates na lang kami'."

"Ang marriage is not about sex. But it is [a] very important part ng buhay mag-asawa," aniya.

ADVERTISEMENT

Base sa ilang pag-aaral na binanggit ni Marquez, karaniwang kumakaunti ang beses ng pagniniig ng mag-asawa makalipas ang ilang taon ng pagsasama.

Ayon din aniya sa marriage experts, maaaring may mga buwang hindi talaga nagtatalik ang mag-asawa.

"The fact is more and more couples are having sex, less than 10 times a year," ani Marquez. "'Yang kondisyon na 'yan ay nangyayari in 15 to 20 percent of couples nowadays."

"Estimated 15 percent of married couples did not have sex with their wives in the last six months to one year," banggit ni Marquez sa pag-aaral na ginawa ng isang propesor tungkol sa sex-less marriage.

Inisa-isa rin ng doktor ang maaaring dahilan ng kawalan ng pagtatalik sa pagitan ng mag-asawa.

ADVERTISEMENT

Nariyang puwedeng nagkaroon ng away ang mag-asawa na hindi nila maresolba kaya di na rin sila nagniniig.

Puwede ring magkaiba ang pagnanais na seksuwal sa pagitan ng mag-asawa.

"Mismatched sexual libido, iba 'yong sex drive ng isa doon sa isa," sabi ni Marquez.

Puwede ring maging dahilan ang sobrang stress kaya ayaw nang makipagtalik ng isang partner.

"Pagod ka lang. Too tired kasi sobrang daming trabaho. Busy e."

ADVERTISEMENT

Hindi rin malayong makababa ng libido ang ilang gamot tulad ng para sa hypertension, diabetes, at cholesterol.

May ilang birth control pill din aniya na nakabababa ng libido.

Maaari ring bored na ang isang partner sa sex life nilang mag-asawa.

"Kasi 'yong pagme-make love niyo no'ng first one, two, three, four, five years, ay para lang routine," paliwanag ni Marquez.

Puwede ring may "kabit" o third party sa relasyong mag-asawa kaya nawawalan ng interes sa pakikipagtalik ang magkabiyak.

ADVERTISEMENT

Dapat ding tingnan kung dati bang nakaranas ng pang-aabusong seksuwal ang isang partner kaya biglang nawawalan ng interes sa pagniniig o kung may iba pa siyang karamdaman tulad ng depresyon, erectile dysfunction sa mga lalaki, o kaya'y vaginal dryness na karaniwang nararanasan ng mga babaeng nasa stage na ng menopause.

Maging ang pagkahilig sa pornography ay nakaaapekto sa pagtatalik ng mag-asawa.

"Pornographic addiction, rather than making love, you'd rather watch pornography. Then you will not make love with your partner anymore," paliwanag ni Marquez.

Puwedeng ayusin at ibalik ang pagtatalik sa buhay mag-asawa basta kapwa gugustuhin ito ng magkabiyak.

"Fixing a sex-less marriage will not be a success overnight. Hindi magic 'yan. You have to be patient. Make small progress. Make small steps. Dahan-dahan lang," payo ni Marquez.

ADVERTISEMENT

"How do you fix it? Again, talk, communicate, have a very good conversation. Be open. Mag-usap, be honest. Kasi kapag dinedma mo 'yong gusto ng isa, ay dead na talaga, dead marriage na talaga," aniya.

Mainam din na maglaan ng panahon para magbakasyon ang mag-asawa para muling pasiglahin ang kanilang relasyon at pagtitinginan.

"Kahit marami kayong anak, give time [for dates]."

Mainam ding panatilihin ang pagiging kaakit-akit para sa partner.

Paliwanag ni Marquez, anuman ang hugis ng pangangatawan, kailangan matuto pa ring maging presentable para sa asawa.

ADVERTISEMENT

"Dapat mentally attracted pa rin kayo sa isa't isa," sabi ng doktor.

Puwede ring magpatingin sa doktor kung may iniindang karamdaman na maaaring nakaaapekto sa pagtatalik.

Maganda lalo kung magkasama ang mag-asawa kahit isa lang sa kanila ang sasangguni sa espesyalista.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.