Scholarship handog sa apo ng todo-kayod na lola | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Scholarship handog sa apo ng todo-kayod na lola

Scholarship handog sa apo ng todo-kayod na lola

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pagkukumpuni ng sapatos, payong, at bag ang hanapbuhay ng 71 anyos na si Conchita Tolosan para may pantustos sa pangangailangan nila ng anak na si Analyn at apo na si Princess.

Madalas ay tumutulong din sina Analyn at Princess kay Conchita sa puwesto nila sa may lungsod ng San Juan.

Kasalukuyang naghahanap ng trabaho si Analyn matapos mag-expire ang kontrata sa dating pinagtatrabahuhang kompanya habang isa namang graduating senior high school student si Princess.

Kung tutuusin, sa edad sana ni Conchita ay nagpapahinga na lamang dapat siya. Pero ayon sa kaniya, hanggang kaya niya ay magtatrabaho siya matiyak lamang na makapagtapos si Princess sa pag-aaral.

ADVERTISEMENT

Naunsiyami ang pangarap noon ni Conchita na makapagtapos ng pag-aaral kaya sinikap niyang pag-aralin si Analyn sa abot ng kaniyang makakaya. Subalit tulad niya ay nabigo rin si Analyn na makakuha ng diploma nang magbuntis kay Princess.

Si Princess na lang ang natitirang pag-asa para sa diplomang hinangad nila pamilya.

Naiintindihan naman daw ni Princess ang responsibilidad na nakaatang sa kanya.

"Kapag po nakapagtapos ako, tutulungan ko po si Lola. Ayoko na po kasing nakikita siyang ganito eh. Wala rin po akong magawa kasi nag-aaral pa rin po ako," ani Princess.

Dahil dito, isang paaralan ang nagbigay ng full scholarship kay Princess para sa isang four-year course na kaniyang mapipili.

ADVERTISEMENT

Nabigyan din ng makina at mga kagamitang pantahi sina Conchita at Analyn, at bibigyan din ng pagsasanay sa pananahi si Analyn.

Labis naman ang pasasalamat ni Conchita na walang ibang hinangad kundi ang diploma sa pamilya — isang pangarap na malapit nang matupad ng kaniyang apo.

Para sa kabuuang kuwento at iba pang online exclusive stories, sundan lamang ang Mission Possible sa kanilang Facebook page.

--Ulat ni Raymond Sakiwat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.